ISULONG MO KAIBIGAN,HUKOM NG MAMAMAYAN!


ISULONG MO KAIBIGAN,

HUKOM NG MAMAMAYAN!

Ni TOTO CAUSING

Tumingin ka sa langit, kaibigan. Ang kapal at itim ng ulap. Kung babagsak yan, babaha ng napakalaki, kayang talunin Ondoy man o Pepeng.



Gumawa ka na ng paraan. Lumayo ka sa iyong kinatatayuan. Tumakbo ka sa matataas na lugar, doon ka maisasalba.
Iyan ang ulap ng korapsyon, ulap ng pagnanakaw, ulap ng mga ninanakaw, ulap ng kawalan ng katarungan, ulap ng kasakiman, ulap ng pandaraya, ulap ng maitim na kapangyarihan.
Lumisan ka kaibigan. Isalba mo ang iyong sarili. Hikayatin mo ang iyong kapitbahay, kaibigan at kamag-anak. Umakyat kayo sa mataas na lugar, doon kayo lamahok sa galaw ng pagbabago.
Lubog na ang ating bayan. Lubog na ang ating mamamayan. Lubog na ang lahat sa atin. Pero nakakatawa pa rin ang mga buwaya. Mag-isip ka kung kaya pa ba, ang ating bayan maisalba?

Ako’y may dalang balita, balitang pwedeng magbangon sa atin mula sa putik ng baha, balitang siya lamang ang sagot sa ating mga suliranin, balitang unti-unting aayos sa ating lipunan, balitang siyang tanging lutas sa lahat ng ating suliranin. Iyon ay kung ating pakikinggan.
Hinihikayat ko kayong pirmahan, itong petisyon para sa kinabukasan, petisyong magbabago ng Konstitusyon, petisyong magpapatayo ng Hukuman ng Mamamayan.
Ito ay tinatawag na Trial Jury, ito ay buuin ng mga ordinaryong mamamayan, para hatulan ang nasasakdal kung may sala man, kahit sino pa man.


Ang mga ordinaryong mamamayan, ang tunay nilang lakas sa Trial Jury makikita, hindi matatakot kahit sa anong sakuna, hindi matatakot kahit sino pa sila.
Ang Trial Jury na aking inaadhika, ay siyang buuin ng magbubukid man o magkakariton, jeepney driver o tricycle driver o padyak driver man, kung saan dala nila ang kapangyarihan, kapangyarihan ng buong sambayanan, laban sa mapang-api maging sino pa man.
Ang Trial Jury ay hahatulan, kahit si Mike o Mikey Arroyo man, hahatulan kahit si Ping Lacson, hahatulan kahit si Glorya, hahatulan kahit mayaman man, hahatulan kahit makapangyarihan man.
Itong Trial Jury ay buuin ng mga tao, sa listahan ng mga botante sila magmumula, kukunin sila sa pamamagitan ng bunutan, itatago mukha nila at pangalan, para kapakanan nila at ng kanilang pamilya, ay mapapangalagaan, sa anumang pananakot at pananambang, ng mga akusadong may kapangyarihan o kayamanan.
Panahon na kaibigan, ating ibangon ang ating bayan, mawala ang mga kurakot at pananakot, sa halip ang mga lingkod bayan ay matatakot, dahil sila ay mahahatulan, kung silay ay magpatuloy na mangungurakot.
Panahon na isulong ang malaking pagbabago, para ang ating bayan ay magbabago.
Isulong mo kaibigan, ang aking panawagan, na tayong lahat ay lalagda, sa isang petisyong isasabatas, ang pagtatayo ng Trial Jury sa Pilipinas.
Idagdag mo pa riyan kaibigan, pagtatayo ng Grand Jury sa ating lipunan, para kunin mula sa kurakot na piskalya o prosekyutor o taga-usig ang kapangyarihan, ang kapangyarihan sa pagsasabi kung sino ang dapat kasuhan, at dinigin sa Hukuman ng Mamamayan.
Ang Grand Jury kaibigan, buuin ng mga ordinaryo ring mamamayan, mula sa listahan ng botante sila bubunutin, kanilang pangalan at mukha ay babalutin, para hindi makilala ng sina mang kurakot at mayayaman, para hindi sila mabibili o matatakot magins sino pa man.
Ang Grand Jury ang syang maghahatol, ang maghahatol kung sino ang isasakdal, kahit sino pa man basta’t may kasalanan, kasalananan sa bayan at mamamayan.
At kung meron nang Grand Jury kaibigan, wala kang dapat pangangambahan, sa lahat ng hinahanap mong katarungan, para makasuhan ang sino na dapat kasuhan, maging si Joc-joc Bolante o Mike Arroyo man, maging si Mikey Arroyo o nanay nya man, maging si Merceditas Gutierrez man.
Isulong, mo kaibigan. Isulong mo ang Trial Jury, na siyang Hukuman ng Mamamayan.
Isulong mo kaibigan. Isulong mo ang Grand Jury, na siyang hahatol na kasuhan at isasakdal ang dapat isasakdal, maging si Gloria Arroyo man, maging si P-Noy man, maging sinuman.
Isulong ang Trial Jury! Isulong ang Hukum ng Mamamayan!
Isulong ang Grand Jury! Isulong ang Taga-using ng Mamamayan!

* * *
Kung may tanong, text lamang sa 09178834254 o mag-email sa totocausing2004@yahoo.com.
var _gaq = _gaq || []; _gaq.push(['_setAccount', 'UA-23146426-1']); _gaq.push(['_trackPageview']); (function() { var ga = document.createElement('script'); ga.type = 'text/javascript'; ga.async = true; ga.src = ('https:' == document.location.protocol ? 'https://ssl' : 'http://www') + '.google-analytics.com/ga.js'; var s = document.getElementsByTagName('script')[0]; s.parentNode.insertBefore(ga, s); })();

Comments

Anonymous said…
napakagandang hangarin.. [KAPAYAPAAN] go go go...
Hello Mr./Miss Anonmous, thank you for appreciating my work.
Anonymous said…
napaka gandang paliwanag sir dahil bawat pilipino ay mauunawaan basta marunong magbasa.ibilang na po ninyo ako sa mga susupurta sa napakagandang hangarin na mapuksa ang mga salot at madarambong sa ating bayan...god bless you atty. mabuhay po kayo
Salamat po Ma'am/Sir Anonymous.
Anonymous said…
I agree! We need to have a trial jury. Isulong ang hukuman ng mAmamayan...para sa mga taomg naaapi. sa mga taong mandarambong at nang aabuso sa katungkulan.., I prayed to GOD To watch over you. We need leaders like you,
Thank you for the prayers. Rest assured I will not rest to push for this idea.