ALAM exec's affidavit of truth on P3-M bribe try at ComelecALAM exec's affidavit of truth on P3-M bribe try at Comelec

ALAM's affidavit of truth 
on P3-M bribe try at Comelec


           This is an affidavit of Mr. Edwin R. Alcala, secretary general of Alab ng Mamamahayag (ALAM), detailing the truth how the bribe attempt occurred in exchange for accreditation of ALAM for the partylist election of 2013.

           With this, we in ALAM hope  to cause change at COMELEC for it to gain the trust of the people.


xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx





Republic of the Philippines
Commission on Election
Manila


IN RE: PETITION FOR REGISTRATION
UNDER THE PARTY-LIST SYSTEM OF
REPRESENTATION IN CONNECTION
WITH THE MAY 13, 2013 NATIONAL
AND LOCAL ELECTIONS, AND
SUBSEQUENT ELECTIONS THEREAFTER


ALAB NG MAMAMAHAYAG, represented
by BERTENI CATALUÑA CAUSING                           Case No. SPP-12-127(PL)
Petitioner,
x-----------------------------------------------------------x
Republika ng Pilipinas                                                 )
Lungsod ng Maynila                                                    )SC


Judicial Affidavit



(This is a Judicial Affidavit executed by the affiant in answering the questions by his lawyer Atty. Berteni Cataluña Causing where he swore to tell the truth and nothing but the truth)



Ako si EDWIN ROÑO ALCALA, nasa hustong gulang, may postal address sa National Press Club Building, No. 1 Magallanes Drive, Intramuros, Manila, matapos manumpa ayon sa batas ay nagsasabi ng mga sumusunod:


1.      Tanong: Ano ang iyong posisyon sa Alab ng Mamamahayag (ALAM)?

Sagot: Ako ang Secretary General ng Alab ng Mamamahayag (ALAM) na aplikante para ma-accredit na partylist sa Commission on Election (COMELEC).


2.      T: Kailan kayo nagsumite ng application for accreditation ng ALAM sa COMELEC?

S: Noong Marso 30, 2012 ay nagsumite kami ng application for accreditation sa Commission on Election para makasali ang ALAM sa 2013 partylist election.

3.      T: Ano ang natatandaan mong kakaiba matapos kayong magsampa ng petition for accredition ng Alab ng Mamamahayag (ALAM)?

Isang lingo matapos kaming mag-presenta ng aming mga exhibits sa aming hearing, may isang kapwa ko na taga-media na si Bong Franco na People’s Journal ang nagsabi sa akin na makakatulong daw siya sa ALAM para sa akreditasyon dahil may kaibigan siya sa loob ng Comelec.

4.      T: Ano ang tulong na sinasabi ni Bong Franco?

S: Sinabi niya sa akin na kakausapin namin ang kaibigan niyang na Eric ang pangalan na taga-Comelec.

5.      T: Ano ang nangyari sa alok ni Bong?

S: Nangyari nga at nagkaroon ng meeting sa gitna ko at ni Eric na taga-Comelec at ang nag-arrange nga ay si Bong.


6.      T: Saan kayo nagmeeting nina Bong at ni Eric?

S: Doon kami nagkita at nag-usap sa kambingan sa likod ng Manila Cathedral.


7.      T: Kailan nangyari yung meeting sa kambingan?

S: Kung hindi ako magkakamali sa petsa, dalawang linggo bago nangyari ang meeting ko kay “JR”.


8.      T: Kailan pala yung meeting mo kay JR na sinasabi mo?

S: Sigurado ako na Junee 19, 2012 kami nagmeeting ni JR at nangyari iyon sa Harbor View sa gilid ng Quirino Grandstand sa Luneta.


9.      T: Okay, ano ang nangyari sa meeting mo kay Eric?

S: Nangako si Eric na tutulong total naman daw sila dahil kaibigan naman niya si Bong.


10.  T: Ano ang binanggit ni Eric na kapalit sa tulong niya, kung meron man?

S: Wala namang ibang kapalit kundi tulong lang talaga.


11.  T: Paano kayo nagtapos sa meeting nyo ni Bong at Eric sa kambingan?

S: Nagkaroon kami ng agreement na magkokontakan si Bong at Eric at imbitahin niya si “JR” dahil ito raw ang mas makakatulong.


12.  T: Sino itong si JR kung binanggit man siya ni Eric sayo?

S: JR lang ang binanggit niya at wala naman siyang sinabi kundi ang pagdiin na si JR ang mas makakatulong.


13.  T: Ano ang nangyari sa kasunduan ninyo na magtawagan ni Eric at Bong tungkol kay JR?

S: Mga isang linggo ang lumipas at tinawagan ako ni Bong na magmi-meeting nga raw at dadaanan ako sa opisina ng ALAM sa June 19, 2012, alas-singko ng hapon at doon nga raw kami magkikita sa Harbor View.


14.  T: Ano ang nangyari sa napagkasunduang meeting na sinaabi sayo ni Bong?

S: Natuloy ito at sinundo nga ako ni Bong ayon sa aming usapan at dumiritso na kaming dalawa sa Harbor View.  At ito ay aking pinaalam ko sa aming chairman na magmimeeting ako sa mga taga-Comelec na gustong tumulong sa aming samahan.  Pinayagan naman ako ni Chairman Yap at sinabi sa akin: “Sige, kausapin at malalaman ang tulong na maiibigay sa atin.”


15.  T: Anong oras kayo dumating sa Harbor View ni Bong?

S: Eksakto, 5:00 ng hapon.


16.  T: Ano ang nangyari nang dumating na kayo ni Bong sa Harbor View?

S: Umupo kami ni Bong sa pangalawang table bandang kaliwa malapit sa pinto ng Harbor View.


17.  T: Ano ang nangyari kasunod?

S: Umorder kami ng tig-iisang beer.


18.  T: Ano ang nangyari sunod?

S: Maya-maya konti, may tinawagan si Bong at pagkatapos niyang kausapin ang kabilang linya, sinabi sa akin ni Bong na parating na sila.


19.  T: Tapos, anong oras dumating ang kausap mo?

S: Mga 5:20 ng hapon.


20.  T: Sinu-sino ang mga dumating?

S: Dumating si Eric at may kasama at pinakilala sa amin na siya raw ay si JR.


21.  T: Ano ang nangyari sunod?


S:  Lumipat kami ng ibang mesa, sa may lugar na may trapal dahil umuulan noon.


22.  T: Ano ang nangyari sunod?

S: Nagtanong ako kung ano ang gusto nina Eric at JR. At sinabi nilang “beer”.


23.  T: Ano ang ginawa mo?

S: Tinawag ko ang waiter at umurder ng beer at pulutan.


24.  T: Paano kayo nagsimulang mag-usap sa pakay na pag-uusapaan?

S: Binuksan ni Eric ang topic ng pagtulong sa application ng ALAM.


25.  T: Ano ang sunod na nangyari?

S: Nagsalita si JR, at kanyang sinabi: “Eto, atin-atin lang ito.”


26.  T: Ano ang karugtong ng kwento nya?

S: Naandap daw sya magsabi dahil taga-media nga raw kami baka bigla na lang sya matira.


27.  T: Ano ang naging reaksyon mo?

S: Sabi ko, wala siyang dapat katakutan dahil tulong lang naman ang hinihingi namin.


28.  T: Ano ang kasunod na nangyari?

S: May tumawag sa cellphone niya at sinagot niya.


29.  T: Ano ang naging usapan niya sa tumawag sa kanya na narinig mo?

S:  Narinig ko na nagbabanggit na okay na na ang birthday ni Commissioner Tagle, at nagbanggit ng mga handa kagaya ng sugpo na paborito pa raw ni Commissioner Tagle.


30.  T: Pagkatapos niyang binaba ang telepono, ano ang naging kasunod na usapan niyo?

S: Pagkatapos niyang binaba ang telepono, sinabi niya na birthday ni Commissioner sa June 26. At bumalik kami sa aming topic.


31.  T: Ano pa ang sinabi niya?

S: Kinwento nya ang Kabaka partylist na tinulungan niya at malamang na maa-accredit.


32.  T: Sunod?

S: Nagtanong ako kung ano ang naging usapan niya sa Kabaka.


33.  T: Ano ang sagot niya?

S: Alam mo kasi, may budget.


34.  T: Ano pa sumunod?

S: Nagtanong ako kung ano ang budget na sinasabi niya.


35.  T: Ano ang naging sagot ni JR?

S: Sinabi niya sa akin: “Alam mo, ang no. 1 nominee si Jerry Yap, mayaman yan. Iisa yan sa tinitingnan para ma-accredit o hindi.”

Dagdag pa niyan na baka mahirapan na makapasa.


36.  T: Ano ang reakyon mo?

S: Sinagot ko na hindi naman mayaman, taga-dyaryo naman sya, publisher ng Hataw.


37.  T: Ano ang reaksyon ni JR?

S: Sinabi ni JR na pwede namang maayos na walang magiging problema.


38.  T: Ano ang nangyari sunod?

S: Nagdagdag siya na kailangan lang na budgetan natin.


39.  T: Ano ang nangyari sunod?

S: Nagtanong ako para ano at saan ang budget.


40.  T: Ano ang sagot niya?

S: Sinabi niya na yung PhP1,000,000 ay para kay Commissioner Tagle, PhP1,000,000 para kay Commissioner Yusoph at PhP1,000,000 para for the boys.


41.  T: Ano pa ang sinabi niya?

S: Bale Tatlong Milyon ang sabi nya na budget lahat-lahat.


42.  T: Ano ang nangyari sunod?

S: Nagtanong si JR kung kakayanin ba namin yung PhP3,000,000.


43.  T: Ano ang sagot mo?

S: Sabi ko, e ikukunsolta ko.


44.  T: Kanino mo ikukunsulta?

S: Kay Mr. Jerry Yap at iba pang opisyales ng ALAM.


45.  T: Ano ang tugon ni JR?

S: Sinabi niya sa akin, “Sige, malaman ko.”


46.  T: Tapos?

S: Nagkabigayan kami ng contact number. Kinuha niya number ko at kinuha ko rin number nya.


47.  T: Ano ang nangyari sunod?

S: Nang pumunta ako ng Comfort Room, pagbalik ko, sabi ni Bong sa akin, kelangan daw nila ng mobilization fund.


48.  T: Para saan daw yung mobilization fund?

S: Sabi ni Bong sa akin, may kakausapin daw sila para gumalaw na.


49.  T: Ano ang nangyari sunod?

S: Nagulat ako kay Bong, sabi ko wala akong pera dito.


50.  T: Ano ang nangyari sunod?

S: Sinabi ni Bong na aabunuhan raw muna niya?


51.  T: Ano ang ibig sabihin ng aabonohan?

S: Sinabi niya na nagbigay siya ng PhP10,000 kay JR.


52.  T: Ano ang nangyari sunod?

S: Di na ako kumibo.


53.  T: Noong nag-uusap kayo ni Bong tungkol sa mobilization, nasaan noon si Eric at JR?

S: Nasa upuan din at nakikinig.


54.  T: Ano ang nangyari sunod?

S: Inubos namin ang beer at binayaran ko ang aming na-order at kani-kanya na kaming uwi.


55.  T: Kung mamarapatin mo, magkaano nabayaran mo sa inyong order?

S: Ang kabuuang binayaran ko ay PhP5,103.30.

56.  T: Paano mo nasiguro na iyan nga nabayaran mo, detalyado pa?

S: Meron akong billing statement ng aking Citibank credit card at nakalagay dito sa listahan ang gastos sa Harbor View na may petsang 6/19/12 na "Sale Date.”


57.  T: May ipakita akong billing statement, pakisuri ito kung ano ito kung ikumpara sa billing statement na sinasabi mo?
 
S: Ito yun.  (The lawyer asks for the marking of the statement as EXHIBIT “A-MR”).


58.  T: Teka, sabi mo nagkapalitan kayo ni JR ng contact number. Ano ang contact number ng nasabing JR?

S: Ang binigay niya sa akin ay 09277198667.


59.  T: Pagkatapos nyong mag-usap ano ang ginawa mo?

S: Kinabukasan, inireport ko kay Mr. Jerry Yap na chairman ng ALAM pati yung proposal na PhP3,000,000.00


60.  T: Ano ang reaksyon ni Mr. Jerry Yap sa sinabi mo?

S: Akala ko tutulong! Ay hindi tayo magbibigay. Yung atin namang dokumento ay sapat naman para ma-accredit tayo.  Hayaan mo na yan at wag nang kausapin!


61.  T: Ano ang reaksyon mo sa naging reaksyon ni Mr. Jerry Yap?

S: Sabi ko, “Sige Sir.”


62.  T: Ano ang ginawa mo matapos mong malaman ang reaksyon ni Mr. Jerry Yap na ayaw niya, na kung tutuusin may usapan kayo ni JR na magtawagan?

S: Hindi ko na tinawagan si JR.


63.  T: Ano ang ginawa ng ALAM na aksyon dahil doon sa proposal ni JR?

S: Hindi na namin sineryoso at dagdag na rin ni Mr. Jerry Yap, ipapasa-Diyos na lang iyan.

At naging busy na rin kami masyado sa mga sunud-sunod na kalamidad na dumating, gaya ng baha, bagyo at mga sunog kung saaan marami kaming mga miyembro ang naapektuhan, at nagpapatuloy. 



64.  T: Ano pa ang sunod na pangyayari sa pakikipag-ugnayan mo kay “JR”?

S: Tumawag si JR noong July sa akin at tinanong ako: “O, kumusta, okay na kayo sa budget?”


65.  T: Ano ang sagot mo?

S: Sabi ko, “Negative e.”



66.  T: Ano ang reaksyon niya?

S: O sige, pag ano, tawagan na lang tayo.


67.  T: Nitong Setyembre 19, 2012 ay nakatanggap kayo ng desisyon ng Second Division ng Comelec na binasura ang aplikasyon ng ALAM bilang partylist dahil sa walang “track record.

Tapos nagsampa ang ALAM ng Motion for Reconsideration (MR) at binanggit doon na isa sa mga dahilan na kung bakit kayo ay naghingi ng MR ay dahil sa may tangka na panghingi ng P3-million sa ALAM?

Lumalabas na dito na lang inilabas ang pagtatangkang panghingi ng PhP3 million.

Bakit pala naisip ninyo na isinama sa inyong MR ang nasabing isyu tungkol sa PhP3 million?

S: Nag-meeting ang mga opisyal at napagkasunduan ng lahat na isiwalat kahit ano man ang mangyari at ipapasa-Dyos na namin at makakatulong na rin kami sa paglilinis sa Comelec para maibalik ang tiwala ng taong bayan sa kanila.

Dagdag pa niyan, sa isipan namin ito ang kauna-unahan pagkakataon na pormal na nagreklamo sa paghihingi ng pera para sa Comelec.  Dapat na rin maialis ang mga bulok na kamatis na madadamay ang mga opisya na walang kinalaman at tapat sa tungkulin na nadadamay dahil lamang sa iilan.

Kaya, inaalay na namin ang aming kapalaran dito, sa ngalan ng katotohanan at matuwid na daan.


68.  T: Ano ang gusto mong sasabihin?

Wala na po muna.


BILANG PATUNAY AY NILALAGDAAN KO ang Judicial Affidavit na ito nitong ika 27 ng Setyembre 2012 sa Lungsod ng Maynila.




EDWIN ROÑO ALCALA
Nanunumpa
Tax Income ID No. 220-420-843-000


NANUNUMPA SA HARAP KO nitong ika ___ ng Setyembre 2012 sa Lungsod ng Maynila, si Mr. Edwin Alcala ay nagpakita ng sapat na patunay sa kanyang pagkakakilanlan na nakasulat sa ilalim ng kanyang pangalan.

Doc. No.: ___;
Page No.: ___;
Book No.: ___;
Series of 2012

Comments