One note before I die

   


ONE NOTE BEFORE I DIE
Berteni "Toto" Cataluña Causing
Hello Sirs and Madams,


May I make a note before I die.

ALL OUR OPINIONS, pros or cons as to the feasibility of Jury System in the Philippines, ARE NOT TESTED AND IT WILL NEVER PROVE CORRECT UNLESS TESTED.

If Jury worked well in England beginning June 15, 1215 when King John was compelled to sign the Magna Carta when the English people of those times never knew about it and that they cannot be said to be more educated than the Filipinos of today, if jury worked well when it began in the United States more than 220 years ago when the Americans of those years (the Blacks and the Whites) cannot be said to be more educated than the Filipinos of today, where can we find justifications for arguments that Jury won't work in PHL?

Let this hypothesis be put in place by the believers without minding distractions: JURY SYSTEM WILL WORK IN PHL.

Then let us work by campaigning to the masses who are not intelligent as the men in this thread.

And if the masses agree, let us start the experiment and see the result.
Let us see if the hypothesis will prove true or we will have the same result as the 111-year experiment of single-judge-prosecutor system put in place ironically by the American conquerors who championed jury system, like then Philippine Governor-General William Howard Taft who later became US President William Howard Taft who then reported to the US Congress that he did not put Jury System in place because less than 10% Filipinos knew how to read and write that this circumstance made him establish the first public education system by bringing in thousands of peace corps volunteers to teach.

Whether we will succeed with Filipino jurors of the kind of Shamcey Supsup who chose "Love of God over love of man" or of Venus Raj who charmed the world with her "major major" answer, it remains to be seen.

But I can only believe -- not argue -- that not all Filipinos are vote-sellers or clannish or whatever of negative trait.  There is always a minority group of principled men in every region who number at least by tens of thousands from whom ideal jurors can be narrowed down and completely leaving behind the tens of millions of majority who sell their votes.

If Martin Luther King Jr. realized the dream hatched at a time when the Blacks were looked down as a bunch of incompetents at a time when it was so dark for the Black to be equal to the White, if Arabs realized democracy when nobody thought then that Islam societies can never be in harmony with democracy, what we Filipinos can do that the world believes we cannot live up to?

If history tells us that jury system has grown popular for hundreds of years in countries where no coup d'etat or power grab has occurred, if the past tells us of power struggles and massacres taking place in countries that do not have jury system, then our only ally rests on experience for us to convince the masses that laymen's adjudicatory system is generally better than the "lawmen's" adjudicatory mechanism.

Shall we who firmly believe in the Jury System decide to take NOW the first step even without seeing the whole staircase?  Martin Luther King Jr. did. Will we do?

Patriotically,

Berteni "Toto" Cataluña Causing,_._,___

     

Comments

MY FRIENDS, PUBLISHING BELOW THE TRANSLATION OF "KA PULE" OF LIPA, BATANGAS.


Hello Mga Kaginoohan at Lakambini,

Makapagkomento ako bago ako pumanaw.

LAHAT NATING MGA HAKA-HAKA, pabor man o salungat sa kaangkupan ng Sistemang Hurismo sa Pilipinas, AY HINDI PA NASUBOK AT HINDI MAPAPATUNAYANG TUMPAK HANGGANG MASUBUKAN.

Kung ang Hurismo ay nagamit ng maayos sa Inglatyera simulang Hunyo 15, 1215 nung si Haring John ay napilitang lumagda sa Magna Carta na ang mga mamamayang English ay hindi pa rin nakabatid nito at hindi rin masasabi na sila'y higit na edukado keysa mga Pilipino ngayon, kung ang hurismo ay naging mabisa nung sinimulan ito sa Estados Unidos mahigit pang 220 taong nagdaan na ang mga Amerikano nung panahong iyon ay di masasabing higit na edukado keysa mga Pilipino sa ngayon, saan tayo makatatagpo ng mga argumentong ang Hurismo ay 'di magiging mabisa sa Pilipinas?


Ilagay nating mga naniniwala ang panukalang ito sa dapat kalagyan na hindi alintana ang mga panglito: MAGIGING MABISA ANG HURISMO SA PILIPINAS.

At saka natin sikaping ikampanya ito sa mga mamamayang hindi mga intelihente gaya ng mga dakdakero sa usapang ito.

At kapag sumang-ayon ang masa, simulan na natin ang experimento at makita ang resulta.

Tingnan natin kung ang panukala (pangamba) ay mapapatunayan o magkakaroon din tayo ng resulta tulad nitong 111-taong pagsubok o eksperimento sa ipina-iral dito ng mga nanakop na nagmalasakit din sa sistemang Hurado, tulad nung Kanong Gobernador Heneral na William Howard Taft, at naging Pangulo ring William Howard Taft ng Estados Unidos na nag-ulat sa Kongreso ng US tungkol sa hindi niya pagkatatag ng sistema kasi'y kulang pa sa 10% ng mga Pilipino ang marunong bumasa at sumulat at ang katayuang iyon ang nag-udyok sa kanyang magtatag ng unang sistema ng edukasyong publiko sa pagpapadala ng libu-libong mga Thomasites para maging mga guro.

Kung paano tayo magtatagumpay paraan sa mga huradong Pilipino na kauri ni Shamcy Supsup na pinili ang "Pagibig sa/ng Diyos sa halip ng pagibig sa/ng tao; o si Venus Raj na ginayuma ang daigdig ng kanyang tugon na "major major" ay makikita pa natin.

Nguni't makakapaniwala lamang ako -- di makipagtalo -- na hindi lahat na mga Pilipino ay nagbibili ng boto o maka-angkan o anopaman nung negatibong kaugalian. Laging merong minoreyang grupo ng mga taong makatuwiran sa bawa't rehyon na bumibilang kahi't sampu-sampung libo kung saan magmumula ang huwarang mga hurado na mapagpipilian at maiiwan ang sampu-sampung mga milyong nakararami na nagbibili ng kanilang mga boto.

Kung napagtagumpayan ni Martin Luther King Jr. ang pangarap na tinamo nung panahong ang mga Itim ay nilalait lamang na pangkat ng mga walang-kakayahan nung panahong napakadilim para sa mga Itim na maging kapantay ng mga Puti, kung ang mga Arabo ay napatunayang natamo ang demokrasya nung walang naka-isip na ang mga lipunang Islam ay hindi maka-babagay sa demokrasya, anong magagawa nating mga Pilipino na sa paniwala ng mundo ay hindi natin pwedeng pakibagayan sa buhay?

Kung sinasabi sa atin ng kasaysayan na ang sistemang hurismo ay lumagong popular ng daang-taon sa mga bansang hindi nagkaroon ng coups d'etat o agaw-kapangyarihan ay naganap, kung ang nakaraan ay nagpahiwatig sa atin ng mga agawan ng poder at mga patayan ay nangyari sa mga bansang walang sistemang hurado, sa ganun ang atin lamang na kasangga ay salig sa karanasan na ating kumbinsihin ang kalahatan na ang pagpapa-iral ng katarungan paraan sa hurismo ay higit na mabuti keysa mekanismong paghatol ng mga nagpapatupad ng batas.

Tayo baga na matatag ang paniwala sa Sistemang Hurismo ay magpapasya NGAYON ng unang hakbang kahi't hindi pa man nakita ang buong hagdanan? Ginawa iyon ni Martin Luther King. Gawin din ba natin?


Pagkamakabayan,

Berteni "Toto" Cataluña Causing

Popular Posts