Ang kantang 'close open' at ang 'justice on wheels'

Ang kantang 'close open'
at ang 'justice on wheels'


ANG PABORITONG KANTA KAYA NI CJ CORONA AY "CLOSE OPEN, CLOSE OPEN, CLOSE OPEN..."?

Joke joke joke...

Ito naman ay dala sa kanyang pagtanda. Again, joke joke joke...

82 dollar accounts, opened and closed and opened and closed and opened and closed and opened and closed...

Kung ako magbabayad ng malaki para sa desisyon, gaya ng P10 million, hindi ako magdadala ng cash kundi manager's check o cashier's check.

So, kung aaplay ako sa bangko ko ng manager's check na ganito kalaki, bibigyan kaagad ako at wala nang maraming tanong dahil lehitimo naman ang pera ko sa bangko dahil negosyante ako.  

So ngayon, kung ibibigay ko sa judge ang manager's check at gagamitin ito para magbukas ng bagong account number, may presumption kaagad na mula sa malinis na paraan nanggaling ang inihulog para sa bagong account. 

At pagma-encash na ang bagong account, isara ang binuksan dahil iwi-withdraw at ipasok sa mother account.

Dahil galing din sa nabuksan nang account, may presumption din na galing sa malinis ang pera na na-withdraw at ideposito sa mother account.

Ang ganda nitong sistema panlaban sa Anti-Money Laundering Law na hindi masususpetsahan na galing sa korapsyon.

GETS MO?

Sana nga.

Laro na lang tayo ng nakagawian noong tayo ay bata pa, na niloloko lang pala tayo ng matatanda: "CLOSE OPEN, CLOSE OPEN, CLOSE OPEN...."

At lalo pa siguro masarap kumanta kung nasa wheelchair. 

He he he, wag magalit, laro lamang ito at walang intensyong makasakit ng damdamin ni CJ Corona, na nagkataon lamang na sentro ng mata at isipan ng lahat ng Pinoy.

Comments

Popular Posts