TUWID NA DAAN? WALA NANG IBA KUNDI DIYOS NA DAAN!
TUWID NA DAAN?
WALA NANG IBA KUNDI
DIYOS NA DAAN!
Pwedeng sabihin na tama ang mithi sa pagpatalsik sa dating Punong Hukom dahil sa mga nagawang di kanais-nais para sa mala-santo na pwesto.
Tama kaya ang maglabas ng "pabuya" kung ito nga ang tawag sa mga senador na bumuto ng "I FIND YOU GUILTY" kay ex-CJ Corona?
Pabuya raw ang ibinigay na P50 milyong sa bawat isa sa 17 senador, di kasama si Lacson. Sa tatlong senador na pinakamaswerte, P100 milyon kay Sen. Frank Drilon, P92 milyon kay Johnny Enrile, at P99 milyon kay Sen. Chiz Escudero.
Pabuya rin daw ata ang ibinigay na tig-P15 milyon sa bawat kongresman na lumagda sa Articles of Impeachment laban kay ex-CJ Corona.
Tawagin muna natin na "pabuya" ang mga perang ito dahil sa matinding tinatanggi ng Palasyo na ito ay "pinagbili" ng lagda at boto laban kay Corona.
Matandaan na ang tema ng kampanya noong kasagsagan ng impeachment ay "alisin natin si CJ Corona" para sa "tuwid na daan."
Kinalulungkot ko po. Kahit "pabuya" man ang tawag dito, di ko matatanggap ang mga boto ng 19 na senador (di kasama si Ping Lacson) kahit may sala si ex-CJ Corona.
Ang mga senador ay hinahalal para dalhin ang sariling kaisipan sa pagdesisyon sa bawat isyu na pambayan.
Paano mo sasabihin na sa "sariling kaisipan" nanggaling ang desisyon ng 19 na senador na i-convict si Corona kung may P50 milyon, o P100 milyon, o P99 milyon o P92 milyon na nag-aantay sa boto na "guilty"?
Paano mo sasabihn na sa "sariling kaisipan" ng mga kongresman nanggaling ang desisyon ng bawat isa na lagdaan ang Articles of Impeachment kung may P15 milyon naghihintay sa lagda?
Iisa lamang po ang "tuwid na daan." DIYOS NA DAAN lamang.
Comments