ABS-CBN BIG DIPPER DIVERSION TACTIC IS "TAX EVASION"; NOT MERE "TAX AVOIDANCE"
ABS-CBN BIG DIPPER DIVERSION TACTIC IS "TAX EVASION"; NOT MERE "TAX AVOIDANCE"
By BERTENI CATALUÑA CAUSING
Ang sinasabi ng mga tax lawyers sa group chat naming mga lawyers from Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, legal daw yan.
Pero kung ako ang tanungin mo, hindi legal kasi klaro na hindi angkop sa pakay o lohika kung bakit ang isang kumpanya ay pwede sasailalim sa PEZA.
Una, ang ginagawa dito ng mga karamihan sa PEZA companies ay gawaing factory at ang factory mismo ay doon sa loob ng PEZA.
Ang ginagawa naman ng ABS-CBN ay HINDI FACTORY, kungdi mag-convert lang ng files ng video mula sa ANALOGUE at gagawing DIGITAL. Isang beses lang ang pagsagawa ng conversion to digital kasi ang kasunod ay IPAPADALA THRU EMAIL ang nabuong digital copy ng mga programa, kagaya ng "PROBINSYANO."
Ikumpara mo halimbawa sa ginagawang refrigerator na gagawa ng maraming refrigerator at ito ay i-export.
Sa paggagawa ng refrigerator, maraming mga tao ang kailanganin para mag-assemble ng refrigerator.
Sa trabaho naman na pag-convert ng video files, pag-convert ng analogue video sa digital copy, iisang tao lang ay magagawa na sa buong araw.
DITO MAKIKITA na ang isang pakay ng batas ng PEZA na magkaroon ng maraming manggagawa ay hindi natutupad sa pagsagawa lang ng conversion from analogue to digital.
Pagkatapos na mai-convert ang "Showtime" ni Vice Ganda sa digital copy, i-email kaagad sa ABS Global sa Hungary at sa isang segundo o iglap ay andoon na sa Hungary ang produkto na converted na "PROBINSYANO."
Ang kompanya ng ABS-CBN na pinarehistro sa PEZA ay BIG DIPPER at pinapalabas na ito ang gumagawa ng conversion na trabaho. ABS-CBN ang may-ari ng Big Dipper.
Ang kompanya na pagbentahan ng converted video files ay ang ABS-CBN Global ay pag-aari rin ng ABS-CBN.
Tanong, PWEDE BA SA BATAS MANGYARI NA IKAW AY MAGBEBENTA SA SARILI MO? Paano mo bibilhin ang converted file na ikaw rin ang may-ari? Na iniba mo lang ang pangalan?
Kung hindi pwede palang mangyari na bibili ang ABS-CBN GLOBAL mula sa BIG DIPPER kasi ABS-CBN DIN ANG MAY-ARI NG GLOBAL AT BIG DIPPER, ibig sabihin ay pinapaikot mo lang ang sarili mo.
Sa mata naman ng PEZA, magbabayad ang kompanya ng 5% Gross Income Tax. PERO, ITO ANG TANONG: Paano mo tawagin na INCOME NG BIG DIPPER ang perang ibinayad dito ng ABS-CBN GLOBAL para kuno sa binili na converted files, at IISA LANG ANG MAY-ARI NG LAHAT?
Kung walang benta na matatawag dahil sa ABS-CBN din naman ang may-ari ng nagbebenta at nagbibili, HINDI KWALIPIKADO ANG BIG DIPPER SA PEZA kasi ang diwa ng batas ng PEZA ay kikita ng buwis o tax na 5% ng income ng BIG DIPPER. Kung walang income ang Big Dipper kasi ang ibinayad dito ay pera rin ng may-ari ng BIG DIPPER, disqualified sya na magiging kasapi ng PEZA kasi walang income tax na makukuha.
Nais ko lang isipin na ang mga pinadala na digitally-converted files sa ABS-CBN Global sa Hungary ay ini-email kaagad sa THE FILIPINO CHANNEL na sya naman ang magpapalabas nito sa Amerika, sa Middle East at iba pang bansa na may mga Filipino para maipalabas sa mga cable channels ng mga Pinoy doon ang mga digital copy ng mga programa gaya ng "Probinsyano."
Ang The Filipino Channel ay pag-aari rin ng ABS-CBN.
Ang mga Pilipino sa ibang bansa ay nagbabayad ng buwanan na subscription fee sa The Filipino Channel na nagbabayad din kung sa ABS-CBN GLOBAL sa Hungary.
Ibig sabihin, nakikita na natin ngayon na walang ibinebentang CD or copy ng converted digital files: kungdi SUBSCRIPTION at manonood lang naman ang mga Pinoy sa kanilang mga telebisyon ng mga palabas na digital.
SUMA TUTAL, pakana lang pala na mayroong ginagawang produkto na binibenta sa labas ng bansa.
Dahil palabas lang ang lahat, ITO NGAYON ANG TINATAWAG NA CIRCUMVENTION of the law on tax o paikutan.
Sinasabi pa sa prinsipyo ng batas na WHAT CANNOT BE DONE DIRECTLY CANNOT BE DONE INDIRECTLY. Kun ano ang hindi pwedeng gawin na direkta ay hindi rin pwedeng gawin na hindi direkta.
Alam ng ABS-CBN na sa bawat isang P1 billion na kita sa subscription, kung direkta itong binigay sa ABS-CBN sa Pilipinas at kakaltasan ito ng P300 million na buwis sa isang taon dahil sa 30% na tax sa income.
Alam din ng ABS-CBN na kung dadan sila sa PEKENG FACTORY NA BIG DIPPER ay 5% lang ang ikakaltas sa P1 billion na buwis at ito ay P50 million lang.
SA SOBRANG LAKI NG DIPERENSYA, hindi na pwedeng sabihin na legal na pamamaraan ito na tinatawag sa tax law na "avoidance."
Kaya, kahit na maraming mga abogado na expert sa batas ng buwis ang nagsasabi na "tax avoidance" lang ito, BUO ANG AKING PANINIWALA NA ITO AY TAX EVASION.
Comments