BOBONG PROSECUTOR'S OFFICE: KINASUHAN NG ILLEGAL SQUATTING ANG MGA MAGSA...
BOBO ANG PISKAL: KINASUHAN NG ILLEGAL SQUATTING ANG MGA MAGSASAKA NA NANG-AGAW NG SAKAHING LUPA SA CORON, PALAWAN?
Pinalabasan ng warrant of arrest ng judge ng Coron ang 49 na magsasaka sa Coron, Palawan.
Ang 49, kasaama ang kaibigan ko na si Edwin T. Sulad, ay kinasuhan ng illegal squatting dahil kuno ay nang-agaw ng lupa na sakahan.
Ayon sa reklamo, mula pa raw taong 2000 pa nagsasaka ang mga kinasuhan.
Ayon sa kaso, ang lupang sinasaka nila ay kanilang inagaw kuno mula sa mga awardee ng CLOA o Certificate of Land Ownership Award.
Ngayon, paanong makapasok ang mga magsasaka na ito sa lupa kung totoo na may ginawaran na pala ng CLOA?
At kung nakaagaw man ng sakahan ang 49, ibig sabihin ay tiwangwang ang lupa at hindi sinasaka ng mga awardee ang mga lupa.
Ang hindi pagsasaka ay ground o basihan para tanggalan ng CLOA ang awardee.
Comments