MAY “AHAS” sa PNP Task Force Percy Lapid
MAY “AHAS” SA PNP TASK FORCE LAPID
***
Pinresenta ni DILG Secretary Benhur Abalos ang sumuko na pumatay kay Percy Lapid noong 18 October 2022, bandang 10:00 am.
*
Iyon pala, noon pa mang October 17 na sumuko ang gunman na si JOEL ESCORIAL Y SALVE, may traidor sa hanay ng PNP Task Force Percy Lapid.
*
Noong araw ng October 17 ay nalaman na ng isa sa tatlong mayor de mayores na tinuro na si Crisanto Palana Villamor ang kumuntak kay JOEL ESCORIAL para patayin si Percy Lapid.
*
Kaya, malamang na nagsinungaling si Bucor Director General Gerald Quitaleg Bantag nang inakusahan nya si Secretary Abalos at PNP Chief General Rodolfo Azurin na bago nag-presscon ay hindi nag-coordinate muna sa kanya na pangalagaan ang middleman na si “Jun Villamor”.
*
Sabi ni Bantag, kung nag-coordinate lamang sila Secretary Abalos, hindi daw sana pinatay si JUN VILLAMOR alias Crisanto Palana Villamor.
*
Tanong kay General Bantag: E alam mo na ata noong 17 October 2022 pa lang na pinangakanan na ang isa sa dalawang middleman ay si Jun Villamor; kaya inunahan mo na bago mag-coordinate para may idahilan ka? He he he…
*
Dapat ka palang tanggalin sa Bucor.
*
Obligasyon mo na lahat at mapangalagaan at walang papapatayin.
*
Ngayong klaro na pinatay si Jun Villamor gamit ang supot na plastic, bakit nangyari ang pagpatay kung magaling ka nagbantay ng seguridad ng lahat ng preso dyan?
*
Sana ay walang kinalaman si Police Colonel Restituto Arcangel na kaklase ni Bantag sa PNPA.
*
https://youtu.be/DIvyC0dRHpg
Comments