Urban poor to file admin case for gross ignorance, etc vs 2 judges of Cavite
Urban poor to file admin case for gross ignorance, etc vs 2 judges of Cavite
With their backs already against the wall in their fight to keep their homes from the developer they describe as engaged in fraudulent practices, including acts of cancelling contracts to sell without complying with the Maceda Law that gives some grace period reliefs and limits cancellation of that contract by means of a notarized letter expressing the decision to cancel, a group of poor residents of Camachile Subdivision in General Trias, Cavite decided to file cases of gross ignorance of the law or gross misconduct, conduct prejudicial to the best interest of the service and undue delay in rendering unjust judgment against two judges of Cavite.
To the mind of their lawyer, Berteni Cataluña Causing, president of Hukuman ng Mamamayang Movement, Inc. (HMMI), this is the most logical thing to do for poor litigants under the present system of justice where each of the courts gives judgment by one judge.
It is unlike in Jury System in America, United Kingdom, Canada, Australia, South Korea and Japan where it is extremely difficult to influence the decisions of the courts owing to the impossibility of talking to jurors who are chosen from the people and usually kept in secret to avoid contacts with stakeholders.
Causing attributes to the impermeability of the justice system against influence-peddler why good order and low corruption incidence are kept in the countries where it is the jury that decides on questions of what really happened in a crime or a civil case, how did things happen, and who should be guilty or at fault. Causing also notes that there is no rebellion in countries where the system of adjudging is controlled by the people through jurors chosen from them randomly.
To know the details of the complaints against the two judges, the entire complaint is hereby reproduced below:
Republic of the Philippines
Supreme
Court
Padre Faura, Manila
SPOUSES
EDDIE PETACTE AND MONALISA PETACTE,
SPS.
FRANCISCO JUYAD AND EDNA JUYAD,
ROSALIE
FABIO, SPS. RANULFO I. BALDEVIA AND
EDNA
BALDEVIA, SPS. MARK ANTHONY S. DINGLE
AND
LOIDA DINGLE, JUDE NINO L. FAMADOR,
WILMA
R. AQUINO, SPS. RUEL B. MUEGA AND
NOVELETA
M. MUEGA; AND ELMA A. ESTEBAN,
Complainants,
Case No. ______________________
- versus -
Gross Ignorance of the Law
or Gross
Misconduct, and conduct
prejudicial
to the interest of the best
service vs
Judge Monsod
Undue Delay in Rendering
Oder/Judgment
and Conduct Prejudicial to
the Best Interest
of the Service for Judge Icasiano
HON.
AURELIO G. ICASIANO, JR.,
EXECUTIVE JUDGE, REGIONAL TRIAL COURT,
TRECE MARTIRES CITY, CAVITE;
HON.
NAPOLEON A. MONSOD,
JUDGE, MUNICIPAL TRIAL COURT OF
GENERAL TRIAS, CAVITE,
Respondents.
x-----------------------------------------------x
Republic of
the Philippines )
City of
Manila )SC
Magkakasamang Sinumpaang
Salaysay-Reklamo
Kami, Spouses
Eddie Petacte at Monalisa Petacte, Sps.
Francisco Juyad at Edna Juyad, Rosalie Fabio, Sps. Ranulfo I. Baldevia at Edna
Baldevia, Sps. Mark Anthony S. Dingle at Loida Dingle, Jude Nino L. Famador,
Wilma R. Aquino, Sps. Ruel B. Muega at Noveleta M. Muega at Elma Esteban, matapos
makapanumpa nang naaayon sa batas ay magkakasamang nagsasalaysay ng mga
sumusunod:
1. Na isinagawa namin ang magkakasamang salaysay–reklamo
na ito upang ipagsakdal sina:
a.
Hon. Aurelio G. Icasiano, Jr., ang kasalukuyang Executive Judge sa Regional Trial
Court, Trece Martires City, Cavite – sa SALANG Undue Delay in Rendering Judgment/Order at Conduct Prejudicial to the
Best Interest of the Service; at
b.
Hon. Napoleon A. Monsod, nakatalagang Judge sa Municipal Trial Court of General
Trias, Cavite – sa SALANG GROSS IGNORANCE OF THE LAW or GROSS MISCONDUCT at
CONDUCT PREJDICIAL TO THE BEST INTEREST OF THE SERVICE.
2. Nag-ugat ang kasong ito mula sa kasong unlawful
detainer na sinampa ng The New APEC laban sa aming lahat.
3. Kami po kasi ay mga nakakuha ng housing loan mula sa
Pag-Ibig sa pamamagitan ng mga housing units ng The New APEC at ang mga bahay
na aming kinuha ay matatagpuan sa Camachile Subdivision sa Camachile Road,
General Trias, Cavite.
4. Matandaan noon na napalso kami sa aming pagbayad ng
buwanang hulugan at sinikap namin na maa-update ang aming pagkukulang.
5. Ang alam namin lahat noon ay sa Pag-ibig kami may
utang dahil sa binayaran na ng Pag-Ibig ang mga units na ibinigay sa amin.
6. Karamihan sa amin ay mga nakabyad na ng hulugan mula
as isa hanggang sa apat na taon na.
7. Kaya, masakit po sa amin na basta mawala ang mga unit
na aming kinuha kaya kami nagsusumikap na mahabol ang mga buwanang hulog na
hindi nabayran.
8. Subalit, naging malupit ang nangyari dahil sa pinag-pasa-pasahan
kami ng Pag-Ibig at The New APEC;
9. Nalaman na lamang namin ang totoong dahilan kung bakit
kami pinag-pasa-pasahan nang magsampa ng demandang unlawful detainer laban sa
amin ang The New APEC: na na-buy back o binili ng The New APEC mula sa Pag-Ibig
ang aming mga unit.
10.
Habang nagsasampa ang The New APEC ng kasong
unlawful detainer, nagtataka kami na may mga dumarating na ibang tao sa aming
mga bahay at nagsasabi na sila raw ay nakabili na ng mga bahay namin.
11.
Ibig sabihin, ang ginawa pala ng The New
APEC pagkatapos ng buy-back ay binenta sa mga bagong buyer ang aming mga bahay.
12.
Samantala natuloy ang mga kaso ng The New
APEC at kami nga ay isa-isang nakatanggap ng summons o patawag na magsusumite
ng aming mga kani-kanyang Answer o sagot.
13.
Ang
ginawang katuwiran ng The New APEC sa buyback o pagbawing–bili sa mga housing
unit ay ang alegasyon nila na hindi na raw kami nakakabayad ng instalment.
14.
Inalam namin kung bakit may buy-back dahil
hindi naman namin nakita na may kontrata sa gitna ng Pag-Ibig at The New APEC
na kung hindi kami makabyad ng ilang buwan ay bibilhin balik pala ng developer
mula sa Pag-Ibig ang mga unit na sangkot.
15.
Nang mabasa namin ang Complaint for Unlawful
Detainer ay doon namin nakita na mayroon palang Memorandum of Agreement na
isinagawa sa gitna ng Pag-Ibig at The New APEC.
16.
Ang naging teorya ng The New APEC ay nawalan
na raw kami ng karapatang lumagi sa kani-kanyang bahay namin nang magkaroon ng
buy-back.
17.
Wala rin kami noon alam kung ano ang dapat
naming idepensa at inasa na lang namin ang pagdepensa sa Public Attorney’s
Office (PAO) dahil wala naman kaming alam kung papaano ang aming depensa sa
ilalim ng mga batas.
18.
Dumating
ang mga desisyon ni Judge Napoleon A. Monsod sa aming siyam na kaso.
19.
Kung basahin ang lahat ng mga desisyon,
makikita na pareho ang mga salita na ginamit, ang mga pangungusap na ginamit,
ang mga tuldok at iba pang marka na ginagamit sa wikang Filipino – at, higit sa
lahat, pareho rin ang ginamit na rason ni Judge Monsod.
20.
Kung paghambingin, halos kakambal o Xerox
copy ng isa’t-isa ang lahat na siyam na desisyon at ang nagkakaiba lamang ay
mga pangalan namin, mga numero ng unit, mga petsa ng pagka-buyout, at mga
halaga ng naihulog.
21.
Sa madaing-sabi, kung si Judge Monsod nga
ang gumawa ng mga nasabing desisyon, kinopya lamang nya ang mga desisyon mula
sa iisang template.
22.
Mababasa rin sa desisyon ni Judge Monsod na
lumalabas na hindi niya alam kung papaano i-aplay ang Republic Act No. 6552 o
Maceda Law, na partikular na nag-uutos na ANG TANGING PARAAN PARA MAKANSELA ANG
CONTRACT TO SELL AY SA PAMAMAGITAN LAMANG NG PAGBIGAY MUNA NG GRACE PERIOD AT
PAGKANSELA SA PAMAMAGITAN NG NOTARYADONG SULAT.
23.
Ngunit, hindi ito binigyang pansin ni Judge
Monsod, na sa kabila nito ay kanyang binigyang merito ang “BUYBACK” ng The New
APEC ang dahilan na nawalan na raw kami ng legal na dahilan para ipag-patuloy
ang aming possession sa lupa’t bahay namin.
24.
Sa medaling-sabi, binigyan ni Judge Monsod
na legal na katawan ang pagpapaikot ng Batas Maceda na nabalewala dahil sa
BUYBACK na kontrata naman ito sa gitna ng Pag-Ibig at The New APEC at wala
kaming alam na merong ganitong kontrata sa gitna nila nang kami ay kumuha ng
nasabing pabahay.
25.
Sa halip na igawad ni Judge Monsod ang batas
para sa amin, kanya pa itong pinagkanulo at hindi naman niya maaaring sabihin
na hindi niya alam ito dahil sa siya ay Judge.
26.
Ang pinakasakit dito, hindi pinansin ni
Judge Monsod ang pagyurak sa karapatang “due process” namin na nakasaan sa
MACEDA LAW na napaksimple naman intindihin kung paano nilatag ng nasabing batas
para sa mga mamimili ng bahay at lupa kagaya namin.
27.
Ang karapatang piangkaloob ng Maceda Law ay
ang pagbibigay ng GRACE PERIOD sa mga mamimili ng bahay na hindi pa nakabayad
ng buwanang hulugan na dapat ay bigyan muna ng pagkakataon na makabayad sa
hindi bababa sa animnapong (60) araw.
28.
At kung hindi pa makabayad sa loob ng GRACE
PERIOD, saka pa lang magkaroon ng karapatan ang VENDOR na kanselahin ang
contract to sell na magagawa lamang sa pamamagitan ng pagbigay sa defaulting
buyer ng notaryadong sulat ng pagkansela ng contract to sell.
29.
Ngayon, sa kaso namin ay hindi nga rin kami
nakatanggap ng sulat na na-buyback na pala ng The New APEC ang aming yunit at
wala man lamang kaming sulat na natanggap.
30.
Kahit na nalabag ang aming karapatang “due
process” ay hindi ito pinansin ni Judge Monsod na klaro namang makikita ang
paglalabag kung basahin ang dokumento mismo ng Complaint for Unlawful Detainer
na sinampa ng The New APEC.
31.
Ang isa pa sa nakakarebeldeng ginawa ni
Judge Monsod ay binalewala niya na ang tanging opisina na may eksklusibong
kapangyarihan sa pagdinig at pagdesisyon sa pabahay na isyu ay ang Housing Land
Use and Regulatory Board (HLURB).
32.
Ito ay batas na dapat ay alam din ni Judge
Monsod pero di nya ito ginamit.
33.
Sa medaling-sabi, sa mukha pa lang ng
desisyon ay masasabi mo na kaagad ang bias ni Judge Monsod pabor sa mayaman na
The New APEC o di kaya kamangmangan sa batas na hindi pwedeng mangyari sa isang
judge.
34.
Ang mga nasabing desisyon ay aming nilalakip
dito bilang sumusunod:
a. ANNEX “A” – Desisyon sa kaso ng mag-asawang Eddie
Petacte at Monalisa Petacte;
b. ANNEX “B” – Desisyon sa kaso ng mag-asawang Francisco
Juyad at Edna Juyad;
c.
ANNEX “C” –
Desisyon sa kaso ni Rosalie Fabio;
d. ANNEX “D” – Desisyon sa kaso ng mag-asawang Ranulfo I.
Baldevia at Edna Baldevia;
e. ANNEX “E” – Desisyon sa kaso ng mag-asawang Mark
Anthony S. Dingle at Loida Dingle;
f.
ANNEX “F” –
Desisyon sa kaso ni Jude Nino L. Famador;
g. ANNEX “G” – Desisyon sa kaso ni Wilma R. Aquino;
h. ANNEX “H” – Desisyon sa kaso ng mag-asawang Ruel B.
Muega at Noveleta M. Muega; at
i.
ANNEX “I” –
Desisyon sa kaso ni Elma A. Esteban.
35.
Ang masakit dito, nang matanggap na ang mga
desisyon, binitawan na kami ng aming abogado na PAO at pinagalitan pa kami at
sinabihan na may karapatan nga kaming mag-apela pero maghanap na raw kami ng
ibang abogado;
36.
Salamat na lang at may isang miyembro ng
Sagip Tahanan na kung saan kami ay kasapi at nagmagandang loob na gumawa ng
aming Notice of Appeal para sa bawat isa sa amin at kami na mismo ang lumagda
dahil ayaw na ng PAO lawyer namin;
37.
Ang miyembrong ito ay gumradweyt ng College
of Law ngunit hindi nakapasa as bar exams ng tatlong beses;
38.
Ang kopya ng nasbing Notices of Appeal ay aming
nilalakip dito bilang mga sumusunod:
a. ANNEX “J” – Notice of Appeal ng mag-asawang Eddie at
Monalisa Petacte;
b. ANNEX “K” – Notice of Appeal ng mag-asawang Francisco
at Edna Juyad;
c.
ANNEX “L” –
Notice of Appeal ni Rosalie Fabio;
d. ANNEX “M” – Notice of Appeal ng mag-asawang Ranulfo at
Edna Baldevia;
e. ANNEX “N” – Notice of Appeal ng mag-asawang Mark
Anthony at Loida Dingle;
f.
ANNEX “O” –
Notice of Appeal ni Jude Nino L. Famador;
g. ANNEX “P” – Notice of Appeal ni Wilma R. Aquino;
h. ANNEX “Q” – Notice of Appeal ng mag-asawang Ruel at
Noveleta Muega; at
i.
ANNEX “R” –
Notice of Appeal ni Elma A. Esteban.
39.
Irereklamo sana namin ang nasabing PAO
lawyer, pero nakiusap ang bagong abogado na pumalit na patawarin na lang tutal
ang importante ay tutulungan din kami ng nasbing bagong abogado namin sa
katauhan ni Atty. Berteni Cataluña Causing.
40.
Isinumite namin ang aming mga Notice of
Appeal ngunit ayaw pang tanggapin ng opisina ni Judge Monsod.
41.
Ang ginawa namin ay di kami umalis sa korte
ni Judge Monsod at tumagal ng mga ilang oras bago siya nakulitan sa amin at
pinatanggap an gaming Notice of Appeal at narinig pa namin na nagsaabi siya sa
kanyang mga staff: “Sige, ako na bahala
sa APEC.”
42.
Makailang araw pa ang lumipas ay natanggap
na namin ang Order ni Judge Monsod na nagsasabi na binasura niya ang aming
Notice of Appeal dahil daw sa hindi kami makabayad ng Supersedeas Bond.
43.
Pare-pareho rin na magkakambal ang mga
nasabing Order na nagbasura sa aming Notice of Appeal, at ang mga katagang
ginamit ni Judge Monsod ay ang mga sumusunod:
ORDER
The defendant cannot post
the required supersedeas bond.
Pursuant to Rule 70, Sec.
19, new Rules on Civil Procedure, the filing of a supersedeas bond is mandatory
and if not filed the plaintiff is entitled as a matter of Appeal.
WHEREFORE, evaluating, the
defendant’s Notice of Appeal is hereby denied for the non-posting of the
supersedeas bond pursuant to the judgment of this Court dated December 12,
2011. Hence, issue Writ of Execution in this
case.
Furnish a copy of this Order (to) defendant.
SO ORDERED.
General Trias, Cavite
44.
Ang kopya ng nasabing ORDER na nagbasura sa
aming mga apela ay aming nilalakip dito bilang SERYE NG ANNEX “S”.
45.
Dahil dito, nagsampaa ang aming bagong
abogado ng Motion for Reconsideration kung saan ay dalawang motion ang naisampa
at ang kopya ng “Motion for Reconsideration With Entry of Appearance” ay aming
nilalakip bilang SERYE NG ANNEX “T.”
46.
Binasura rin ni Judge Monsod ang nasabing
mga motion for reconsideration at pinagpilitan ang hindi pagposte ng
Supersedeas Bond para hindi pagbigyan ang Motion for Reconsideration.
47.
Ang kopya ng nasabing order na nagbasura ng
MR ay aming nilalakip dito bilang SERYE NG ANNEX “U”.
48.
Dahil dito, napilitan ang aming bagong
abogado na magsampa para sa amin ng Petition for Certiorari sa Regional Trial
Court of Trece Martires City.
49.
Ang kopya ng nasabing petisyon ay aming
nilalakip dito bilang SERYE NG ANNEX “V”, at hindi kasama ang mga sariling annexes nito.
50.
Nagkaroon ng iisang hearing sa nasabing
petition for certiorari doon sa korte ni Judge Aurelio G. Icasiano, Jr.
51.
Halos isang taon ang itinakbo bago
madesisyonan ang aming aplikasyon sa Temporary Restraining Order (TRO) at Writ
of Preliminary Injunction (WPI).
52.
Ang ginawa ni Judge Icasiano ay isinabay na
nya sa Desisyon niya ang resolusyon niya sa aplikasyon ng TRO at WPI.
53.
Dahil dito, inirereklamo namin si Judge
Icasiano sa salang UNDUE DELAY IN RENDERING JUDGMENT.
54.
Para maikumpara at makikita ang delay, aming
nilalakip dito ang kopya ng Order ni Judge Icasiano bilang SERYE NG ANNEX “W.”
55.
NGAYON, irereklamo rin namin sana si Judge
Icasiano sa mga klarong mali na ruling na ginawa sa kanyang Order.
56.
Pero, pinayuhan kami ng aming abogado na
huwag muna at pagbigyan muna si Judge Icasiano na ikorek ang kanyang
pagkakamali sa pamamagitan ng Motion for Reconsideration.
57.
Kaya, nirereserba namin sa hiwalay na kaso
ang reklamong “gross ignorance of the law” o “gross misconduct” sa pagre-render
ng manifestly unjust order, at conduct
prejudicial to the best interest of the service at hindi muna namin isasampa
ito sa pagkakataong ito.
58.
Ibig sabihin, ang tanging habla lamang namin
kay Judge Icasiano sa ngayon ay ang UNDUE DELAY IN RENDERING JUDGMENT.
59.
Matatandaang
noong July 23, 2012, ang Petition for Certiorari ay isinampa namin sa solong
sala ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Trece Martires, Cavite,
Branch 23.
60.
Kasabay ng pagsasampa ng Petition for
Certiorari, isinampa rin namin ang application for Temporary Restraining Order
and Preliminary Injunction sa nasabing hukuman.
61.
Na ang
idinulog namin sa korte ay may nakapaloob na Motion to be allowed to sue as
Indigent Litigants.
62.
Na ang
hatol o judgment na may petsang Disyembre 12, 2011 ay ipinalabas ng hukuman,
ang mahalagang bahagi ng hatol ay mababasa na:
IN WITNESS WHEREOF, nilalagdaan namin ang Reklamong Salaysay na ito nitong ika-__ ng Hulyo
2013 sa City of Manila.
SPOUSES EDDIE PETACTE AND MONALISA PETACTE
SPS. FRANCISCO JUYAD AND EDNA JUYAD
ROSALIE FABIO
SPS. RANULFO I. BALDEVIA AND EDNA BALDEVIA,
SPS. MARK ANTHONY S. DINGLE AND LOIDA DINGLE
JUDE NINO L. FAMADOR WILMA
R. AQUINO
SPS. RUEL B. MUEGA AND NOVELETA M. MUEGA
ELMA A. ESTEBAN
SUBSCRIBED AND SWORN TO before me, on this ___ of July 2013 in Manila, affiants
are personally known to the notary public being his long-time clients.
Doc. No.: ___;
Page No.: ___;
Book No.: ___;
Series of 2013.
Republic of the Philippines )
City of Manila )SC
VERIFICATION & NON-FORUM SHOPPING CERTIFICATE
We, SPOUSES
EDDIE PETACTE AND MONALISA PETACTE, SPS. FRANCISCO JUYAD AND EDNA JUYAD,
ROSALIE FABIO, SPS. RANULFO I. BALDEVIA AND EDNA BALDEVIA, SPS. MARK ANTHONY S.
DINGLE AND LOIDA DINGLE, JUDE NINO L. FAMADOR, WILMA R. AQUINO, SPS. RUEL B.
MUEGA AND NOVELETA M. MUEGA; AND ELMA A. ESTEBAN,
whose address is written above, under oath, hereby depose and state that:
(1) We are the complainants in the above-entitled case;
(2)
We have caused the
preparation of the foregoing Magkakasamang Sinumpaang Salaysay – Reklamo; and
(3)
We read all the
statements and allegations herein and that the same are true of our personal
knowledge and based on authentic records.
(4)
We certify that we did
not file any complaints or other legal actions against the respondents in any
other venue or jurisdiction and we undertake to inform the Court in five (5)
days if we learn one such action.
IN WITNESS WHEREOF,
we sign this Verification and Certiicate on ___ July 2013 in Manila.
SPOUSES EDDIE PETACTE AND MONALISA PETACTE
SPS. FRANCISCO JUYAD AND EDNA JUYAD
ROSALIE FABIO
SPS. RANULFO I. BALDEVIA AND EDNA BALDEVIA,
SPS. MARK ANTHONY S. DINGLE AND LOIDA DINGLE
JUDE NINO L. FAMADOR WILMA
R. AQUINO
SPS. RUEL B. MUEGA AND NOVELETA M. MUEGA
ELMA A. ESTEBAN
SUBSCRIBED AND SWORN TO before me, on this ___ of July 2013 in Manila, affiants
are personally known to the notary public being his long-time clients.
Doc. No.: ___;
Page No.: ___;
Book No.: ___;
Series of 2013.
Comments