ANG TUNAY NA ‘GATES OF HELL’
ANG TUNAY NA
‘GATES OF HELL’
Dahil sa “Gates of Hell” na pagtawag
sa Maynila ng sikat na taga-akda na si Dan Brown (sumikat sa kanyang nobela na Da Vinci Code), naalaala ko tuloy si Manuel
L. Quezon na nagsabi noon: "I RATHER WANT A COUNTY RUN LIKE HELL BY
FILIPINOS THAN ONE RUN LIKE HEAVEN BY FOREIGNERS."
Ayon, matapos ang Pilipinas ay magkaroon ng
mga matitinong presidente gaya ni Quezon, Sergio Osmeña, Manuel Roxas, Elpidio Quirino, Ramon Magsaysay, Carlos Garcia
at Diosdado Macapagal (si Dadong at hindi yung pekeng anak nya na si Gloria na ang opinyon ng may akda nito ay ayon sa katotohanan na wala kang makikita na pandak sa kanyang mga anak maliban kay Glorya), PINATAKBO
ANG PILIPINAS NA PARANG IMPIERNO.
Mukhang tama si Dan Brown sa kanyang bagong
nobela na “Inferno.”
Sinimulan ni Marcos ang mahabang
kasaysayan na nakawan.
Naibsan ng konti nang dumating si
Cory sa pamamagitan ng lakas ng EDSA 1.
At malaki ang nabawas sa panahon ngayon ni PNoy kahit pa totoo na marami syang mga iniluklok sa pwesto na mga nangangawat.
Pinauso naman ni Ka Fidel ang
"win-win" situation na kung saan ang lahat ng mga kawatan na
negosyante at pulitiko ay maligaya kasama na ang mga nagpasasa sa mga kontrata,
ang iba nito ay ang mga sumusunod:
(1) INDEPENDENT
POWER PRODUCER'S CONTRACTS na syang dahilan ng kalbaryo sa taas ng presyo ng kuryente na binabayaran ng mga mamamayan;
(2) PEA-AMARI
SCANDAL sa pagtatambak ng lupa sa Manila Bay na kung saan ay makikita mo ngayon
na isang napakaunlad na lugar na pinangungunahan ng SM Mall of Asia;
(3) P10-BILLION
EXPO FILIPINO PROJECT SA PAMPANGA NA HINDI GUMAGANA NGAYON;
(4) PAGBEBENTA
NG FORT BONIFACIO PARA KUNO PAMBILI SA MODERNISASYON NG SANDATA NG AFP, NA HINDI
NAMAN NANGYARI; at
(5) PANLALANSI
NI REGHIS ROMERO NG R-II BUILDERS NA NANALO KUNO SA P3-BILLION "SMOKEY
MOUNTAIN PROJECT" DAHIL DAW SAPAT ANG KANYANG PERA PARA MAIPATUPAD ANG
KONTRATA PERO LUMABAS NA UUTANG LANG PALA SA SSS, GSIS AT PAG-IBIG NG P3
BILLION PARA LUTUIN SA SARILING MANTIKA ANG GOBYERNO, NA HINDI RIN TINAPOS ANG
KONTRATA AT HINDI PA BINAYARAN ANG SSS, GSIS AT PAG-IBIG.
Pinatuloy ni Erap sa unang araw
ng pag-upo nya ang "win-win" system at kumita rin ang mga bumubuo ng
Erap administration mula sa mga klase-klaseng transaksyon.
Kasama sa napagkitaan sa panahaon
ni Erap ay ang giyera na pinatupad niya laban sa MILF na hindi alam ng tao na
bilyon-bilyon ang nakumisyon sa mula sa mga bala at armas at nagiging kawawa
ang mga namatay na sundalo at miyembro ng MILF na kapwa Pilipino rin. Ang masakit, di nila alam na ginawa lang pala
sila na parang mga piyon sa chess.
Ayon sa kliyente ng akda nito, kung saan ay ang kliyente ay dating
kumander ng MILF, nagtataka siya noon na habang nakikipaglaban at paubos na rin
ang kanyang bala ay hindi sila binigyan ng pamunuan ng MILF ng bagong supply ng
bala at pagkain.
Dinagdag pa ng kliyente na samakatwid, bigla silang
inutusan ng mga pamunuan ng MILF na mag-withdraw mula sa kanilang pwesto sa
pagdedepensa ng Camp Busra.
Maya-maya raw
ay nakita niya ang mga heneral ng AFP kasama ang nagpakamatay na si Gen. Angelo
Reyes. Kasunod noon ay nakita niya si Erap at may dala pa silang mga litson ng baboy
at nag-boodle fight sa mga sundalo matapos ipalipad ang bandera ng Pilipinas sa
Camp Busra.
May suspetsa itong kliyente na kumita rin ng milyon-milyon ang ilang sa mga pamunuan ng MILF at ang milyon-milyong ito ay binigay ni Erap para
lamang na tanghaling sikat at bida si Erap bilang "victorious president."
Ni-raid din ni Erap na parang
kanya ang SSS at GSIS na inutusan na bumili ng shares of stocks ng BW Resources
ni Dante Tan. Ito ay kinontra noon ni
Perfecto “Jun” Yasay bilang SEC chairman at binulgar ang panggigipit ni Erap
para pilitin ang pamunuan ng SSS at GSIS na bumili ng shares of stocks mula sa
BW Resources. Di nagtagal ay bumagsak
ang presyo ng shares ng BW Resources at maraming mga negosyante ang umiyak ng
dugo nang naglaho na parang bula ang kanilang mga milyones na pinaghirapan na ginamit pambili sa mga shares of stocks, dahil
ang dating mahigit P100 na presyo ng kada sipi ng BW Resources ay bumagsak sa
P10 o mas mababa pa: SWINDLING NA ANG LAKI AY “ECONOMIC SABOTAGE.”
Si Bubby Dacer noon ay may hawak
ng mga dokumento ng BW Resources dahil sa siya noon ay inupahan ni Dante Tan na
magiging PR Crisis Manager. Matapos ilang araw, dinukot si Dacer at ang kanyang
driver na si Emmanuel Corbito at kalaunan ay natagpuan na sinunog sa Cavite. Kasabay
noon ay hinarang si Chavit Singson sa San Marcelino St. sa Manila at rumeklamo
si Chavit sa mga medya at napalibutan din si Chavit ng mga lokal na opisyal mula
sa Ilocos Sur at hindi natuloy ang ambush.
Pagkatapos noon ay nagsiwalat si
Singson na si Erap daw ang “Hari ng Jueteng” at bilyon-bilyon daw ang kinolekta
ni Singson para sa kumpare niya na si Erap at sako-sakong pera raw ang dala
niya sa bahay ni Erap sa Polk St., San Juan, at ang dalawa sa saku-sakong
perang ito ay nagmula naman daw sa Tobacco Excise Tax na pina-withdraw raw ni
Erap na para sana sa pagpapalago ng siyensa tungkol sa pagsasaka ng mga tanim
na tabako sa Ilocos Sur.
Pumutok ang EDSA 2 at napagbasak
si Erap.
Pumalit kay Erap ang administrasyon
ni Gloria Arroyo na walang kasing-tulad sa pagnanakaw, kaliwat-kanan.
Unang araw pa lamang ni Gloria, niluto kaagad ang kontratang nabinbin sa panahon ni Ka Fidel at hindi napo-proseso sa panahon ni Erap. Ang unang kontratang ito ay ang IMPSA POWER DEAL, na kung saan ay inakusahan ni dating Manila Congressman Mark Jimenez si First Gentleman Mike Arroyo na kumita ng milyong-milyong dolares na "bribe" ng IMPSA, isang kumpanya mula sa Argentina.
Isiniwalat din ni Mark Jimenez na kumita rin ng malaking halaga si Hernani Perez dahil sa siya ang Department of Justice Secretary na kinakailangang magbigay ng rekomendasyon para maaprubahan ang IMPSA Power Deal. Kinasuhan si Perez sa Ombudsman, ngunit pinatagal ng anim na taon bago sinampa ni dating Ombudswoman Merceditas Gutierrez ang kaso laban kay Nani sa hapag ng Sandiganbayan. Pinabasura ni Perez ang kaso sa rasong nalabag daw ang kanyang karapatang "speedy disposition" ng kaso sa preliminary investigation, na pinagdududahang sinadya para magkaroon ng bala si Perez bilang kanyang depensa.
Hindi naman siguro magsinungaling itong si Mark Jimenez sa pagsasalita na kung tutuusin ay siya ay iipitin kung kasinungalingan lang ang kanyang siniwalat. At kung totoo nga, napakarimarim ang nangyari na pinakawalan lamang dahil sa sadyang binagal na proseso sa preliminary investigation.
Isiniwalat din ni Mark Jimenez na kumita rin ng malaking halaga si Hernani Perez dahil sa siya ang Department of Justice Secretary na kinakailangang magbigay ng rekomendasyon para maaprubahan ang IMPSA Power Deal. Kinasuhan si Perez sa Ombudsman, ngunit pinatagal ng anim na taon bago sinampa ni dating Ombudswoman Merceditas Gutierrez ang kaso laban kay Nani sa hapag ng Sandiganbayan. Pinabasura ni Perez ang kaso sa rasong nalabag daw ang kanyang karapatang "speedy disposition" ng kaso sa preliminary investigation, na pinagdududahang sinadya para magkaroon ng bala si Perez bilang kanyang depensa.
Hindi naman siguro magsinungaling itong si Mark Jimenez sa pagsasalita na kung tutuusin ay siya ay iipitin kung kasinungalingan lang ang kanyang siniwalat. At kung totoo nga, napakarimarim ang nangyari na pinakawalan lamang dahil sa sadyang binagal na proseso sa preliminary investigation.
Biro mo, pambungad pa lang, kumita na ang Gloria!
Dahil
sa masarap ang kumita ng bilyones sa loob ng halos apat na taon na pagiging pangulo, na ayon kay Susan Roces ay inagaw lang, tumakbo si Gloria sa pagka-pangulo noong
2004 at ginawan ng paraan para matalo si Fernando Po Jr. sa pamamagitan ng
pagmamanipula ng mga election returns.
Kaya di makalimutan ang umaalingawngaw na emosyonal na salita ni Susan Roces: "You stole the Presidency not once, but twice."
Kaya di makalimutan ang umaalingawngaw na emosyonal na salita ni Susan Roces: "You stole the Presidency not once, but twice."
Sa talino ni Gloria, hindi sya
napagbagsak kahit iilang EDSA na pagtitipon at pagsisigaw ng kanyang ulo, at tinalo
niya ang dalawang magkasunod na Impeachment laban sa kanya.
Tanging pagkaubos ng termino noong 2010 ang
nagpabagsak kay Gloria.
Buti na lang at
hindi naituloy ang cha-cha na layun ay palawigin ang termino nya.
Buti na lang at hindi naituloy ang maitim na
balak na guluhin ang halalan noong 2010 para walang maihalal na congressman at
senador at pangulo, na kung bakante ay mananatili siya sa pwesto bilang “caretaker”
kuno ayon sa doktrina na “Holdover Capacity” sa sitwasyong walang pwedeng
pumalit dahil walang naihalal.
ITO ANG TUNAY NA “GATES OF HELL.”
Comments