AFFIDAVIT OF PO1 HERSCHEL B. MONTEZON
DETAILED AFFIDAVIT OF PO1 HERSCHEL B. MONTEZON
Fellow Cops Illegally Arrested
Them, Robbed Them
of Money, Oakley, etc.
x------------------------------------------x
Republika Pilipinas )
Lungsod ng Maynila )SC
KONTRA
SALAYSAY
Ako
si, HERSCHEL B. MONTEZON, nasa
hustong taong gulang, nakatira sa Lot 9, Block 9-C, Phase 3-C, Area 1,
Kaunlaran Village, Caloocan City, matapos manumpa ng ayon sa batas ay nagsasabi
ng ,mga sumusunod:
1. Noong
August 26, 2011 sa ganap na alas 8:00 ng umaga ako ay naka-duty sa CIDD-CIDG
desk at biglang tumunog ang cellphone ko at si Jonathan Dulay pala ang
tumatawag;
2. Kinausap
ko siya at sinabi nya sa akin na baka raw pwede ko siyang samahan at may
kakausapin lang siya na tao na humihingi ng tulong sa kanya;
3. Sabi
ko sa kanya na, “Pre duty ako ngayon dito sa opisina ko”;
4. Ang
sagot niya sa akin na baka raw pwedeng magawan ko ng paraan para makipagpalitan
ako ng duty sa iba kong kasamahan para masamahan ko siya;
5. Ang
sagot ko sa kanya sige susubukan kong gawan ng paraan maghahanap ako ng pwedeng
makapalitan ko sa duty hintayin mo ang tawag ko;
6. Maya-maya
ay may nahagilap na ako na pwedeng mag-duty sa akin siya ay si PO3 Samson Binag
isa kong kasamahan;
7. At
tinawagan ko si Jonathan at sinabihan ko na, “Pre okey na may nahagilap na ako
na pwedeng magduty sa akin”;
8. Sumagot
siya na, “Pre sige hintayin mo ako diyan dadaanan kita”;
9. Maya-maya
ay dumating na nga si Jonathan na dala ang sasakyan na Mitsubishi Adventure na
puti;
10. Inabutan
niya ako na naka-uniform at nilapitan ko siya sa sasakyan na dala niya at
sinabi ko na, “Pre, sandali lang magbibihis lang ako ng sibilyan na damit”;
11. Sinagot
niya ako na, “Pre, huwag ka nang magpalitan ng uniporm mo at di naman tayo
magtatagal at ihahatid din kita diyan sa opis mo tapos natin kausapin ang tao”;
12. At
sumakay na ako sa dala niyang sasakyan papunta kami ng Edsa South bound;
13. Habang
nasa sasakyan kami tinanong ko siya, “Pre, ano ba yung kakausapin mong tao?”;
14. Sinagot
niya ako na, “Pre, yung babae, humihingi ng tulong sa akin dahil yung asawa
niya ay may problema”;
15. At
tinanung ko siya kung ano ang problema;
16. Sinagot
niya ako na di pa raw niya alam kung ano ang problema at doon na lang daw
sasabihin pagnakausap yung tao;
17. Di
ko na inulit ang pagtatanung ko tungkol sa lakad namin;
18. At
nag-usap kami nag-kwentuhan ng kung anu-ano lang;
19. Hanggang
sa makarating kami sa Caltex station sa Edsa ,Pasay City;
20. Pumarada
kami roon at bumaba at tinanung ko si Jonathan kung saan na kami pupunta;
21. Sinagot
niya ako na, “Dito muna tayo sa loob nang maliit na grocery at may hinihintay
pa tayo na makakasama natin”;
22. Pagkatapos
tinanung niya ako, “Pre, kumain ka na ba?”;
23. Ang
sagot ko sa kanya, “Pre yun nga di pa ako kumakain”;
24. Sumagot
din siya, “Parehas pala tayo na di pa kumakain kaya sabi niya sa akin na tara
habang hinintay natin sila ay mag-almusal muna tayo”;
25. Kaya
agad kaming namili ng aming kakainin, kumuha kami ng tag-isang noodles at tubig
at lumapit kami sa bayaran at binayaran ni Jonathan ang aming mga kinuha na
kakainin”;
26. Pagkabayad
namin ay naghanap na kami ng upuan para habang naghihintay ay kumakain;
27. Tinanong
ko siya kung sino pa ang hinihintay namin at sinagot niya ako, “Si Dexter
Bernardo at Mark at kaibigan din natin”;
28. At
sinagot ko siya na akala ko kung sino ang hinihintay natin dito sila lang pala;
29. Makalipas
ang mahigit kalahating oras ay dumating na ang hinihintay namin na sila Dexter
at Mark na nakasakay sa Nissan Xtrail na wala pang plaka bumaba sila at lumapit
sila sa amin;
30. Nag-usap-usap
kami at napagkasunduan na sila na lang muna nila Jonathan at Mark ang pupunta
sa bahay nung kakausaping kaibigan ni Jonathan;
31. At
ganoon nga ang nangyari, naiwan kami ni Dexter habang naghihintay kung nandoon
na ang kakausaping kaibigan niya;
32. Maya-maya
ay tumawag sa cellphone ko si Jonathan at sinabihan kami na punta na raw kami doon;
33. Kaya
pumunta kami roon;
34. Pagdating
namin sa gate ng apartment na apat na palapag may sumalubong sa amin na isang
lalaki na namamahala sa apartment at tinanung kami kung saan kami pupunta;
35. Sumagot
kami na kasama kami ng dalawang lalaki (Jonathan at Mark) na nasa itaas;
36. At
sumagot din yung namamahala na, “Ganoon ba? Sige nandoon sila sa itaas puntahan
ninyo”;
37. At
sinamahan pa kami nung katiwala papunta sa kinaroroonan nila Jonathan;
38. Pagdating
namin doon ay sinabihan kami ni Jonatahan na wala pa raw yung kakausaping kaibigan
niya at may pinuntahan daw sabi nung katiwala;
39. Nasa
ikalawang palapag kami ng bakanteng apartment na nag-uusap at nagkukuwentuhan
habang hinihintay namin yung tao;
40. Maya-maya
ay bumaba si Dexter at sumunod kaming lahat walang naiwan na tao sa itaas ng
apartment;
41. Sa
may garahe doon sa baba ng apartment naman kami naghintay at nagkuwentuhan;
42. Si
Dexter at Mark ay lumabas ng garahe ng apartment at pumunta sila sa harapan
habang kami ni Jonathan ay naiwan sa garahe;
43. Nang
mainip kami sa paghihintay ay nagyayang umakyat si Jonathan sa itaas kaya
umakyat uli kami duon;
44. Habang
sila Dexter naman ay nandoon pa rin sa labas na tapat ng apartment;
45. Maya-maya
ay dumating na ang hinihintay naming kaibigan niya at ito nga ay Isang babae na
blonde ang buhok;
46. Kinausap
ni Jonathan ang babae at nagpakilala na siya si Joanna;
47. At
maya-maya ay umakyat na rin si Mark at nag-usap-usap na;
48. Tinanong
ni Jonathan kung ano ang problema;
49. Nagpakita
si Joanna ng passport ng hapon na nagngangalang Nobuyuki Hayashi;
50. At
nang makita namin ang passport ito pala ay expired na ng mahigit dalawa’t
kalahating taon na;
51. Hindi
kami nagtagal na mag-usap-usap sa loob ng bahay nila kaya nagkayayaan na lang
na kumain sa labas at doon na lang pag-usapan ang problema ng asawa niya;
52. Pagbaba
namin ng bahay ay kasama si Joanna, Hayashi, Jonathan, Mark at ang kapatid na
babae ni Joanna na may dala pang aso na Saberian Hasky;
53. Masaya
pa ang mga palitan ng usapan habang kami ay papalabas;
54. Paglabas
namin ng gate ay nakita ko si Dexter na kumakain ng mais at niyaya na rin siya
na sumunod sa amin;
55. At
naglakad kami papunta sa sasakyan sa kabilang kanto;
56. Si
Dexter at Mark ay sumakay sa Xtrail na SUV habang ako, si Jonathan, si Joanna
at si Hayashi ay sumakay naman sa Mitsubihsi Adventure na dala ni Jonathan;
57. Umalis
kami papasok ng Edsa patungong Mall of Asia, doon kami tumungo sa Macapagal
Avenue;
58. Nang
makarating kami sa Brother’s Burger sa Macapagal Avenue, Pasay City;
59. Pagpasok
namin sa Brother’s Burger ay naghanap kami ng mauupuan sa gawing kaliwa at nakahap
kami ng mauupuan bandang sulok at umupo nga kami roon;
60. Tumayo
kaagad si Joanna at lumapit sa counter para umorder ng aming kakainin;
61. Pagka-order
ni Joanna ay bumalik agad siya sa amin at doon ay inumpisahan na nilang
pag-usapan ang problema;
62. Habang
ako naman ay nakikinig lang sa kanilang pinag-uusapan at hindi nakikialam dahil
ang pinag-uusapan nila ay tungkol sa immigration law;
63. Hanggang
sa mapag-usapan nila na may gastos daw sa paglalakad ng papeles at aabot sa
halagang P200,000.00;
64. Pagkatapos
kong kumain ay lumabas ako ng Brother’s Burger at sa tapat ako pumuwesto dahil
sa labas noon ay may mga upuan;
65. Kaya
dahil dito, hindi ko na alam kung ano ang pinag-uusapan nila sa loob;
66. Matagal
ang pag-uusap nila at nakikita ko na nagtatawanan sila at nagbibiruan pa;
67. Pumasok
uli ako sa loob ng Brother’s Burger at pumuwesto naman ako sa katabing mesa
nila pero hindi ako humahalo sa kwentuhan nila;
68. Nagpaalam
si Dexter sa amin na pupunta daw muna siya sa opis niya para mag-out isinama
niya si Mark;
69. Kaya
ang naiwan sa Brother’s Burger ay si Jonathan, Joanna, Hayashi at ako;
70. Maya-maya
pa ay lumabas uli ako at pumunta sa sasakyan ni Jonathan;
71. Sa
harapan ng sasakyan ako umupo para makapagpahinga;
72. Nang
mga oras na yun ang nasa loob ng Brother’s Burger ay silang tatlo lamang, sina
Jonathan, Joanna at Hayashi;
73. Ilang
sandali pa ay lumabas silang tatlo at pumuwesto sa tapat ng Brother’s Burger
para manigarilyo si Joanna at Hayashi;
74. At
maya-maya ay nag-alok uli ng order si Joanna at lumapit siya sa akin at
tinanung kung ano ang gusto ko;
75. Sumagot
ako na okey na ako busog na ako;
76. Umalis
siya sa harapan ko at pumasok uli siya sa loob ng Brother’s Burger para umorder;
77. Maya-maya
ay dumating na Dexter at Mark;
78. Habang
ako ay matagal pa rin na nakaupo sa loob ng sasakyan ni Jonathan;
79. Si
Dexter at Mark naman ay umupo sa mesa katabi ng mesa kung saan nakaupo sina
Joanna, Jonatahan at yung asawa ni Joanna;
80. Nakita
ko na si Jonathan at Joanna ay nagbibiruan na nakatingin sa akin;
81. Pakiwari
ko ay ako ang pinagtatawanan nila ay ako;
82. Maya-maya
ay lumapit si Jonathan at sinabi niya na sabi raw ni Joanna na hindi raw ako
mukhang pulis;
83. Ang
reaksyon ko, “Mukha daw ano ako?”;
84. Patawang
sumagot sa akin si Jonathan at Joanna na mukha raw akong MMDA;
85. Matapos
ang mahabang usapan at biruan ay nakapagpasya na maghiwa-hiwalay na kami;
86. Si
Dexter at Mark ay magkasama sumakay at umalis;
87. Habang
ako si Jonathan, Joanna at Hayashi naman ang magkasama sa sasakyan ni Jonathan;
88. Mula
roon sa Brother’s Burger ay inihatid namin sina Joanna at Hayashi at ibinaba
namin sila sa Edsa na malapit sa bahay nila;
89. Pagdating
namin doon ay bumaba na sila sa sasakyan at umakyat sa overpass patawid ng
Edsa;
90. Ako
naman ay inihatid ni Jonathan sa Camp Crame para magpalit ng damit;
91. Pagdating
ng Crame, sa opis ko sa CIDD-CIDG, ako ay kanyang hinintay para isabay uli sa
pag-uwi niya para raw makamenos ng pamasahe;
92. Paglabas
ko ng opis, sumakay uli ako sa sasakyan niya at lumabas na kami ng Camp Crame
papuntang Monumento o North-bound;
93. Hanggang
sa makarating kami sa 10th Avenue ng Caloocan City at doon ako ay
bumaba at nagpaalam na;
94. Mula
noong araw ng Agosto 26, 2011 ay wala na akong nabalitaan tungkol sa usapan
nila dahil kahit na tumatawag si Jonathan sa akin ay di namin napapag-usapan;
95. Hanggang
sa dumating ang September 2, 2011, ganap ala-1:00 ng hapon, ako at ang aking mga kasamahan na sina PO3
Villareal at SPO4 Ortega ay umalis ng opisina para mag-serve ng warrant para
kay Yu Chen Ho sa lugar ng Las Piñas at Parañaque City sa kasong Qualified
Theft na walang piyansa;
96. Bilang
patunay sa sinasabi ko na service ng warrant, aking ikinakabit dito ang mga
kopya nito bilang ANNEX “A” at serye
nito;
97. Pagdating
namin sa lugar ng Parañaque kung saan daw ay makikita ang aming pakay, agad
akong bumaba ng sasakyan at nagpanggap na LBC delivery man na may ihahatid na
sulat para kay Mr. Yu Chen Ho;
98. Sinalubong
ako ng isang guwardiya at sinabi niya sa akin na wala na raw doon yung
hinahanap kong tao;
99. Tinanung
ko kung saan na pumunta at sinagot naman ako na matagal na raw umalis at hindi
alam kung saan lumipat;
100. Kaya
ang ginawa ko ay bumalik ako sa sasakyan at sinabi ko sa mga kasamahan ko kung
ano ang sinabi ng guwardya sa akin;
101. Agad
kaming umalis sa lugar at habang pabalik na kami ng opisina ay nag-text si
Jonathan sa akin na magkita raw kami sa Caltex Edsa, Pasay City;
102. Sinagot
ko siya na okey, sige mapapa-drop na lang ako sa malapit sa lugar;
103. Kinausap
ko si PO3 Villareal na baka puwede ibaba na lang ako sa may Malibay dahil may
kausap akong tao roon;
104. Pagdating
namin sa lugar ay ibinaba nila ako malapit sa lugar na pupuntahan ko;
105. Umakyat
ako ng overpass para makatawid ng Edsa papuntang Caltex;
106. At
pagdating ko sa Caltex ay nakita ko roon ang isang Fortuner na sasakyan ni
Dexter;
107. Nilapitan
ko ito at sumakay ako sa harapan ng sasakyan ni Dexter;
108. Tinanung
ko siya kung bakit siya nandoon;
109. Sumagot
siya na pinapunta rin siya ni Jonathan ditto;
110. Sumagot
ako na parehas pala tayo na pinapunta ni Jonathan ditto;
111. At
duon ay nagkuwentuhan lang kami ni Dexter sa loob ng sasakyan;
112. Maya-Maya
ay natanaw namin sa loob ng mini-grocery si Joanna na may kasama pa na isang
babae;
113. Tumawag
si Jonathan sa akin at tinatanung niya kung nandiyan na raw ba si Joanna;
114. Sumagot
ako at sinabi ko na nandito nga siya at may kasama na isa pang babae;
115. Sinagot
naman niya ako na sige hintayin ninyo ako riyan at malapit na ako;
116. Maya-maya
ay tumawag uli si Jonathan sa akin at sinabi na di na siya makakarating;
117. Sinabi
ko kay Dexter kung ano ang sinabi ni Jonathan sa akin;
118. Nagalit
si Dexter kay Jonathan na bakit daw hindi siya makakarating;
119. Sumagot
ako na di ko alam at walang siyang sinabi sa akin kung bakit di na siya
makakarating;
120. Kaya
nagpasya kami ni Dexter na umalis na lang dahil hindi na rin naman makakarating
si Jonathan at wala naman kaming alam kung ano ang pinag-uusapan nila;
121. Inutusan
ako ni Dexter na tawagan ko si Joanna na sabihin sa kanya na hindi na
makakarating si Jonathan;
122. Ibinaba
ko yung salamin ng mga tatlong pulgada at tinawag ko si Joanna para magpaalam;
123. Agad
na lumapit si Joanna sa bintana na katabi ko at kumakapit ang mga daliri ng
dalawang kamay nya at nagtanong: “Nasaan si Jonathan?”;
124. Sinagot
ko siya na tumawag si Jonathan at hindi
na raw makakarating at aalis na kami dahil siya naman ang kausap niya at hindi
naman kami;
125. Sinagot
naman ako ni Joanna na kakausap niya pa lang kay Jonathan;
126. Tinanong
ko kung sino ang kasama niya;
127. Sumagot
siya, “Pinsan ko po”;
128. Tinanung
niya kung nasaan yung documents at kung iniwan daw ba ni Jonathan sa amin yung
documents;
129. Ang
sagot ko ay nandito nasa amin;
130. Sabay
na rin na nagpaalam na ako sa kanya na aalis na kami;
131. Nang
dahang-dahang umabante ang Fortuner na minamaneho ni Dexter para umalis biglang
humarang sa aming sasakyan ang isang Nissan Urvan na kulay pula;
132. At
mula roon ay nagbabaan ang mga lalaki may dalang mga baril na nakatutok sa amin
at sila ay nakasibilyang damit;
133. Pilit
kaming pinababa sa aming sasakyan at ipinadapa sa semento at hindi namin alam ang
dahilan;
134. Kami
ay kanilang pinosasan ng patalikod o ang mga kamay namin ay sa likod namin;
135. Ni hindi
sila nagpakilalang mga alagad ng batas;
136. Hindi
nila sinabi kung ano ang kasalanan na ginawa namin at hindi rin nila kami
pinagsabihan ng karapatang Miranda na may karapatan kaming di magsalita, may
karapatan kaming kumuha ng abogado na may sapat na kakayahan at kung di namin
kaya kami ay bibigyan;
137. Ang
ginawa na lang ng mga humuli sa amin na habang ako ay nakadapa, ang lahat ng
bulsa ko ay pinasukan nila ng kanilang mga kamay at kinuha nila ang wallet ko
at ang lahat na nasa loob ng aking mga bulsa;
138. Pagkatapos
na maposasan ako ay itinayo nila ako at isinakay sa isang crosswind na SUV at kasama
ko doon si Dexter na nasa likod naman nakasakay;
139. Paalis
na kami nang narinig ko na kinausap si Dexter ng mga lalaki na nasa sasakyan na
ililipat siya sa sasakyan niya at tatangalan ng posas para makipagtulungan para
daw makuha si Jonathan;
140. Pagdating
namin sa isang Gas Station ay ibinaba si Dexter at tinanggalan ng posas at
isinakay sa kanyang sasakyan;
141. Umalis
na uli kami sinusundan lang namin ang sasakyan ni Dexter;
142. Habang
bumibiyahe kami, tahimik lang ako sa loob ng sasakyan;
143. Tinanong
nila ako kung pulis ako sinagot ko na, “Oo, pulis ako”;
144. Tinanong
ako kung ano ang unit ko;
145. Ang
sagot ko ay CIDD-CIDG;
146. Hanggang
sa makarating kami sa Magallanes Shell gas station, sa EDSA Magallanes, malapit
sa Magallanes Interchange;
147. Pagdating
namin doon ay pumarada kami;
148. Nakita
ko na bumaba si Dexter mula sa kanyang sasakyan at pumunta sa Jollibee kasama
pa ang ibang humuli sa amin;
149. Ang
pagkakaalam ko sa mga narinig ko sa mga humuli sa amin, doon daw ang usapan na
pupunta si Jonathan;
150. Pagkalipas
ng isang oras nagpasya na ang mga humuli sa amin na dalhin na raw kami sa kanilang
opisina sa RPIOU sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City;
151. Nakita
ko na sumakay na ulit ng sasakyan si Dexter sa kanyang sasakyan;
152. Habang
bumibiyahe kami ay ipinakilala sa akin si Police Chief Inspector Avelino na siya
raw ang Team Leader ng operation na kasama ko sa loob ng sasakyan at nasa tabi siya
ng driver;
153. Kinausap
ako ng mga operative na kausapin ko raw si Dexter dahil pinagbibintangan daw
sila sa pagkawala ng mga gamit at pera na nawawala kay Dexter;
154. Sinagot
ko sila na sige susubukan kong kausapin si Dexter kung totoong may nawawala
siyang mga pera at gamit;
155. Pero
habang bumibiyahe kami, kinausap ako ng mga operatiba na kausapin na lng daw
namin ang complainant para hindi na mag-sampa ng demanda laban sa amin;
156. Sumagot
ako, “Sige sir, kung pwede kung yun ang magandang paraan”;
157. Pagdating
namin sa opisina ng RPIOU, agad kaming dinala sa ikalawang palapag at pinapasok
kami sa opisina ni PCI Avelino;
158. At
doon ay namukhaan ko na mga klasmeyt ko pala sa recruit ng class 96 ng Philippine
National Police (PNP);
159. Kinausap
ako ng isa sa mga classmate ko para raw sinunog na lang nila ang operasyon;
160. Sumagot
ako na dapat walang operasyon na nangyari dahil wala naman kaming hiningi at wala
rin kaming tinanggap na pera dahil nga si Jonathan naman ang kausap ni Joanna;
161. Nagtataka
nga lang kami kung bakit kami inaresto;
162. Maya-maya
pa ay nagkasama na uli kami ni Dexter sa loob ng opisina ni PCI Avelino;
163. Kinamusta
ko at kinausap ko siya tungkol sa sinasabi na may mga pera at gamit na nawawala
sa kanya;
164. Sumagot
siya sa akin na, “Dre, ang daming nawawala sa loob ng sasakyan ko”;
165. Wala
akong masabi sa nangyari sa kanya basta ang sagot ko lang sa kanya ay kung ano
ang magiging plano niya yun na rin ang plano ko;
166. Maya-maya
ay kinausap kami ng mga humuli sa amin at kung gusto raw naming makausap si
Joanna;
167. Sumagot
ako na sige: “Kung pwede baka maayos natin ngayong gabi”;
168. Pinapasok
nila si Joanna;
169. Kinausap
namin na bakit mo ginawa ito sa amin wala naman kaming ginagawa sa iyo di ba;
170. Sumagot
siya, “Kayo wala, pero si Jonathan mayroon”;
171. Sinabihan
ko sa kanya na tutal nandito na ito wala na tayong magagawa at ikaw ngayon ang
complainant at kung ano ang gusto niyang mangyari;
172. Sumagot
siya na gusto niyang makuha si Jonathan;
173. Sinabi
ko sa kanya na malabo na makuha nila si Jonathan at kahit pa lumutang siya ay
hindi yan pwedeng arrestuhin ng mga pulis;
174. Sinabihan
ko si Joanna: “Kung gusto mo ay i-file mo ng regular filling ng kaso”;
175. Pero,
nagmatigas si Joanna at sinabi na sa fiscal na lang daw mag-usap;
176. Hindi
na ako kumibo at hinayaan ko siya na umalis sa harapan namin;
177. Pag-alis
ni Joanna sa kuwarto kung saan kami ay pinag-usap, biglang pumasok ang isa sa
mga humuli sa amin ni Dexter at kinamusta ang pakipag-usap namin kay Joanna;
178. Sumagot
ako na matigas ang complainant;
179. Kaya
ang plano namin ay lumaban na lang dito sa kaso tutal alam naman namin na wala
kaming kasalanan sa nangyari sa amin;
180. Maya-maya
ay dinala na kami ni Dexter sa ibaba sa investigation section para itanong sa
amin ang personal na pakakakilanlan sa amin;
181. At
pagkatapos ay ipinakita sa amin yung mga gamit namin na kinuha nila para
i-account katulad ng baril ko na Beretta 9-mm, PNP ID, PNP badge, wallet, Acknowledgment
Receipt of Equipment (ARE) at magazine;
kay Dexter naman ay Immigration badge, Airport Duty ID, baril, permit to carry,
firearms licensed, magazines at mga pera ni Dexter na nabilang na P158,400.00;
182. Inilista
ng imbestigador ang mga kinuha nila mula sa amin at pinaupo uli kami ni Dexter
sa tabi ng mesa doon sa investigation room ng RPIOU;
183. Biglang
pumasok si SPO3 Rieus San Diego at tinawag si Dexter at pumunta sila sa isang
sulok ng opisina na para bang may lihim na sasabihin sa kanya;
184. Maya-maya
ay bumalik na uli si Dexter sa kinauupuan ko;
185. Tinanung
ko siya kung ano ang sinabi ni SPO3 San Diego sa kanya;
186. Ang
sagot niya sa akin ay kung gusto raw ba niya na itago nila o gamitin na
ebidensya ang pera ni Dexter;
187. Tinanung
ko uli si Dexter kung ano ang isinagot niya;
188. Ang
sagot ni Dexter sa akin ay isama na lang daw sa ebidensya;
189. Naghintay
kami ni Dexter ng mahabang oras sa loob ng investigation room;
190. Sa
pagitan ng alas 9:30 at 10:00 at tinawag
kami ng dalawang pulis para dalhin sa crime laboratory sa Makati isinakay kami
sa Nissan Urvan na kulay pula;
191. Sa
ganap na alas 11:00 ng gabi nang kami ay makarating sa crime laboratory sa
Makati;
192. Pumarada
muna kami sa gilid ng kalsada sa tapat ng crime laboratory, mga ten minutes
kami tumigil doon;
193. Pumasok
na rin kami sa parking ng crime laboratory at naghintay kami roon sa parking na
iyon ng mga 30 minutes;
194. Pagkatapos
ng parade, bumaba kaagad si SPO3 Lutgardo Labares habang kami naman ay naiwan
sa Urvan, kasama ang isa pang pulis na si SPO1 Roldan Maganto na siyang
nagbabantay sa amin, kasama rin doon yung videographer at driver ng Aksyon 5
TV;
195. Habang
sa loob ng Urvan na naghihintay kay Labares, nag-uusap kami ni SPO1 Maganto
dahil sa ka-batch ko sya ng pumasok sa PNP at kausap na rin siya ni Dexter at
nakita ko pa na nagbigayan pa si SPO1 Maganto at Dexter ng cellphone number;
196. Sinabi
rin sa akin ni SPO1 Maganto na kahit magka-batch kami, wala siyang magagawa
dahil driver lang sya sa operation;
197. At
maya-maya ay dumating na si Labares mula
sa opisina ng crime laboratory at ibinaba si Dexter;
198. Kitang-kita
ko nang pinuposasan ni Labares si Dexter ng patalikod at pilit na pinapahiran
si Dexter sa kamay ng papel;
199. Noong
mga oras na yun naawa ako kay Dexter pero hindi ako natakot dahil alam ko na
wala kaming maling ginawa;
200. Sinabi
rin sa akin ni SPO1 Maganto na: “Batch, ayaw kong sumama sa loob dahil ayaw
kong sumali sa gagawin nila”;
201. Pagkatapos
na nadala ni Labares si Dexter sa loob ng crime laboratory, bumalik sya at ako
naman ang pinababa at pinosasan patalikod, kung saan ay nararamdaman ko na may
pinupunas na papel sa mga kamay ko;
202. Pagkatapos
nun ay dinala na rin ako sa loob ng crime laboratory;
203. Pagpasok
sa loob ng crime laboratory, pinaupo muna ako ng matagal;
204. Nang
makita ko na lumabas na si Dexter mula sa isang kuwarto, inutusan naman ako ng
babae na lumapit sa mesa at pinilatag sa akin ang aking mga kamay sa papel na
nakalagay sa itaas ng mesa,
205. Pagkatapos
kong nailagay ang aking kamay na nakadikit ang aking palad, iginihuit ang porma
ng aking kamay sa papel;
206. Pagkatapos
noon, sinabihan ako na ilatag ang aking dalawang kamay na pabaliktad na ang
palad naman ay nakaharap sa itaas;
207. Pinapirma
muna sa akin ang mga sketch sa papel;
208. Pagkatapos
noon, dinala ako sa kuwarto kung saan ko nakita na lumabas si Dexter;
209. Sa
loob ng kuwarto, madilim at patay ang ilaw at may nakita lang ako na violet na
liwanag na hawak ng chemist na babae;
210. Sa
loob ng kuwartong iyon, pinalatag ulit sa akin ang mga kamay na ang palad ay
nakadikit sa mesa at pinadaanan ng ilaw na hawak ng chemist;
211. Pagkatapos
noon, pinabaliktad naman ang aking mga kamay at pinadaanan din ng violet na
ilaw;
212. Pinadaanan
naman ng ilaw ang mga bulsa ng pantaloon ko;
213. Doon
ko na rin napansin ang papel ni Dexter nang maliwanagan ng violet na ilaw at
natatandaan ko na ang dalawang daliri sa drawing ay may nakalagay na “x”;
214. Ang
nakita kong dalawang daliri na may “x” ay kaliwang kamay;
215. Sa
isip-isip ko, dahil dalawa lang naman kami ni Dexter ang tini-test sa oras na
iyon, halos sigurado ako na kay Dexter na kamay ang drawing na iyon;
216. Pagkatapos
noon ay lumabas na kami ng chemist at nakita ko pa si Dexter sa loob ng crime
laboratory at siya ay nakatayo malapit sa pintuan palabas;
217. Umupo
muna ako sa upuan na malapit sa bintana at malapit din sa nasabing pintuan;
218. Mga
ilang minuto ay sabay na kami ni Dexter na ibinalik ni Labares at Maganto sa
sasakyan;
219. Pagkatapos
nito ay bumalik si Labares sa crime laboratory at mahigit 30 minuto siya
nakabalik sa parking;
220. Doon
na kami nagkaroon ng pagkakataon na nag-usap tungkol sa test sa loob ng crime
laboratory;
221. Doon
ko narinig ko si Dexter na nagsabi: “Pre, ako may nakita sa papel ko na merong
naka-“x” sa dalawang daliri;
222. Sumagot
ako na: “Buti ako naman ay nag-negative.”
223. Nag-usap
din kami tungkol sa pamamahid ng papel sa aming mga kamay noong kami ay pinosasan;
224. Nang
nakita naming lumabas na si Labares mula sa crime laboratory, sumakay naman
ulit kami sa sasakyan at umalis pabalik ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan;
225. Pagpasok
namin ng Bicutan Exit ay nasagi pa ng dala naming sasakyan ang isang taxi;
226. Pero
sandali lang at naayos din agad kaya nakabalik din kami ng kampo;
227. Pagkatapos
ay itinurn-over na kami sa naka-duty na jail guard;
228. Dinala
na kami sa kulungan para ikulong;
229. Mga
ilang minuto ay inilabas kami at inilipat sa isang kulungan;
230. At doon
kami nagpalipas ng magdamag;
231. Kinausap
ako ng duty jail guard na kung pwede si Dexter ay isama ko na rin sa kabilang
kulungan at pumayag naman ang jail guard;
232. Kaya
dinala kaming dalawa sa kabilang kulungan kung saan nakita naming may isa ring
pulis na nakakulong;
233. Magdamag
kami ni Dexter doon na nagkikwentuhan dahil hindi naman kami makakatulog;
234. Kinabukasan,
September 3, 2011, nagdatingan ang mga humuli sa amin para tapusin daw ang
ginagawa nilang papel para sa inquest sa amin;
235. Lumapit
sa amin si SPO3 San Diego at kinamusta kami at kinausap ako;
236. Napansin
ko na may hawak si San Diego na susi ng sasakyan;
237. Pagkatapos,
nakita kong tumayo si Dexter at lumapit kay San Diego at sila ay nag-usap at
kinumusta nga kami ni San Diego at pilit niyang ini-insist sa amin na aregluhin
ang complainant;
238. Umalis
na rin si San Diego at doon nabanggit sa akin ni Dexter na susi ng Fortune rang
hawak ni San Diego;
239. Sa
loob ng kulungan naghintay kami ulit ng ubod ng tagal;
240. Bago
magtanghalian, kami ay inilabas sa kulungan;
241. Pinakain
kami ni Dexter sa mess hall;
242. Pagkatapos
kumain, pinababa kami ni Dexter at pinasakay kami sa kanyang Fortuner at
sinabihang dadalhin kami ospital para ipa-medical;
243. Pagdating
namin sa ospital na di ko nakuha ang pangalan, pumarada ang Fortuner sa parking
lot;
244. Pumasok
kami ni Dexter kasama ang dalawang pulis na si San Diego at isa pang pulis;
245. Pinaupo
kami sa isang tabi at maya-maya ay tinawag ako ni San Diego para pagpi-fill up
ng application at ang sumunod na tinawag ay si Dexter at nag-fill up din ng
papel;
246. Pagkatapos
ay dinala kami sa isang taong may stethoscope kung kanino ibinigay ang forms na
sinulatan namin;
247. Ibinigay
ni San Diego ang aming mga papel sa taong iyon na pakiwari ko ay isang doctor;
248. Tinanong
ako kami kung saan kami nahuli, anong sinasampang kaso, at kung ilang taon na
kami;
249. Tapos
bumalik ako sa upuan at nakita ko na si Dexter na naman ang tinawag at hindi ko
alam kung ano ang mga tinanong sa kanya;
250. Pagbalik
ni Dexter, tumabi siya sa akin sa upuan at naghintay pa kami ng ilang minute at
maya-maya ay pinasakay na naman ulit kami sa Fortuner at bumalik sa Camp Bagong
Diwa;
251. Dinala
kami sa tapat ng investigation kung saan kami ay ibino-booking o kinunan ng
fingerprints;
252. At
maya-maya ay may pumasok na lalaki nang makita ko ay si Major Romeo Niño na kilala
ko dahil dati kong kasamahan sa CIDG;
253. Nag-usap
kami ni Major Niño at nagtanong kung ano ang nangyari sa amin;
254. Sinagot
ko sya na na-set up kami;
255. Biniro
pa ako ni Major Niño na sa susunod ay huwag ako magpapa-set up;
256. Sinabihan
niya na tutulungan kami at luluwagan ang aming kaso;
257. Pinatawag
ni Major Niño si SPO3 San Diego at sinabihan siya na tulungan kami sa problema
namin;
258. Sumagot
si SPO3 San Diego na sir nakuhaan yan na video kasama ang media;
259. Lumabas
si Chief Inspector Niño sa kwarto at naiwan kami;
260. Mga
bandang hapon na ng matapos ang mga papel na gagamitin sa inquest;
261. Narinig
ka na lang na nag-react si Dexter na may nawawala siya na Oakley na shade;
262. Sinabi
niya ito kay Major Niño;
263. Nagalit
si Major Niño at ang sabi niya sige ilabas
ninyo ang nawawala bago ko pirmahan yan (referring to the papers against
us) kung ayaw ninyo bahala kayo ma arbitrary diyan;
264. Kasabay
noon ay umalis na si Major Niño;
265. Galit
na galit si SPO3 San Diego, SPO3 Labares at si SPO3 Pajaro kay Dexter dahil sa reklamo
niyang mga nawawala;
266. Nag-a-argumento
sila-sila tungkol sa kung sino ang pipirma sa mga papel laban sa amin at
tungkol sa mga nawawalang gamit ni Dexter;
267. Maya-maya
ay may dumating na opisyal na si Chief Inspector Redentor Agcio at siya na ang
pumirma bilang administering officer sa mga affidavit;
268. Pagkapirma
ni Agcio ay umalis na rin kami;
269. Sumakay
kami sa Nissan Urvan kasama ang complainant;
270. Paglabas
Camp Bagong Diwa, pumarada kami sa tabi dahil sabi nila ay hindi pa pala nai-xerox
ang mga papel para sa inquest;
271. Doon
ay naghintay ulit kami ng mahigit isang oras;
272. Habang
naghihintay ay tahimik lang ako sa loob ng sasakyan at nakikinig lang sa mga usapan
nila ganun din si Dexter;
273. Pagdating
ng mga nagpa-xerox agad kaming umalis patungong Pasay City Prosecutor Office;
274. At
pagdating sa prosecutor ay nakita namin doon ang fiscal na mag-i-inquest sa amin;
275. Ibinigay
sa prosecutor ni San Diego ang mga papel na hawak niya at may pinasulat sa kanila
na mga form;
276. Pagkatapos
ay tumayo ang fiscal at sinabihan kami na sa Lunes na ito;
277. Agad
kaming sumakay sa sasakyan at bumalik na sa kampo;
278. Pagdating
namin sa Camp Bagong Diwa, dumating naman dpon ang mga magulang ni Dexter;
279. Naghapunan
kami at maya-maya ay nagpaalam na ako para pumasok sa aming selda para
makapagpahinga;
280. Pagkalipas
ng ilang araw kami ay nakapagpiyansa sa halagang (P100,000) at nakalaya noong September
7, 2011 ng hapon;
281. Noong
Setyembre 12, 2011, after lunch, pumunta ako sa RPIOU para kunan ng picture ang
mga sinasabing ebidensya laban sa amin;
282. Nakita
ko si Joanna na complainant at kasama ang kapatid niyang babae at nakaupo siya
sa mess hall;
283. Biniro
pa ako nina Joanna na sabay na sila sa akin sa pag-uwi;
284. Kinausap
ako ng kapatid ni Joanna at sinabi na alam na nila kung saan mahagilap si
Jonathan at sa Island Gas nga raw;
285. Maya-maya,
nagsalita si Joanna at niyaya si Major Avelino at mga puli na mag-iniman sila
at sagot niya;
286. Ibinulong
sa akin ni Major Avelino na kahit lasing sya ay hindi niya papatulan si Joanna;
287. Pagkatapos
nito, tinawang ako ni San Diego pinapunta sa kuwarto at nakita ko siya na
inilatag niya ang pera at iba pa sa mesa at pinakuhaan sa akin ng picture; at
288. Pagkatapos,
itinuro niya sa akin kung saan ang Fortuner ni Dexter;
289. Pinuntahan
ko rin ang Fortuner at kinunan ng picture;
290. Pagbalik
ko sa mess hall ay wala na doon sina Joanna at nagpa-alam na ako kay Major
Avelino; at
291. Wala
na muna akong sinabihan muna.
BILANG
patunay nilalagdaan ang ko ang Salaysay na ito nitong Setyembre ___, 2011 sa
Lungsod ng Maynila.
HERSCHEL B. MONTEZON
Nanunumpa
NANUNUMPA SA HARAP
ko ngayong ika ___ ng Setyembre 2011. Ipinakita niya sa akin ang kanyan
Driver’s License No. NO4-94-301299 bilang patunay ng kanyang pagkakakilanlan,
nabasa niya at naiintindihan ang Kontra Salaysay na kusang loob niyang ginawa.
Dok. blg.: ___;
Pahina blg.: ___;
Libro Blg.: ___:
Serye 2011.
Comments