OPINYON LANG YAN, WAG KAYONG MAGALIT, MGA KAMPON NI BINAY!
OPINYON LANG YAN,
WAG KAYONG MAGALIT,
MGA KAMPON NI BINAY!
Binay with a mistress? |
Ang bawat isa ay may karapatan sa kanyang opinyon. Sa Ingles, "Everybody is entitled to his opinion."
Sa totoo lang, opinyon lang yan ng bawat isa kung guilty o hindi. Hindi naman yan yung pag-hatol sa korte. Iba ito na nababtay sa Senate hearing kung saan ay naipapakita ang mga dokumento at mga testimonya na napapakinggan ng mga mamamayan.
Siyempre, expected yan na ang mga SARADONG BINAY ay iba ang opinyon kahit na may ebidensya pa na niyare ang Makati Parking Bldg, kahit pa na sapat na ang ebidensya na si Binay ang may-ari ng Hacienda Binay, at iba pa.
YUNG MGA NEUTRAL NAMAN ay kumbinsido sa mga ebidensya.
Ngayon, kung walang kasalanan si Binay, BAKIT HINDI SIYA LUMUTANG SA SENADO AT IDEPENSA ANG SARILI AT ILABAS NYA ANG MGA DOKUMENTO para patibayin na siya nga ay walang kasalanan?
Ang inosente ay kasing-tapang ng leon, ang may kasalanan ay tumatakbo. Sa Ingles, "The innocent is bold as a lion while the wicked fleeth."
Ngayon, ginagamit ng maka-Binay ang katotohanan na bakit si Binay lang ang iniimbestigahan. Bakit, dahilan ba ito para sabihing walang kasalanan si Binay? Of course, hindi yan dahilan.
At ito naman ang inyong idolo, laging sinasabi na biktima lamang siya ng pulitika sa isang operasyon na "Oplan Nognog." Bakit, nababawasan ba ang kasalanan ng kawatan kung may halong pulitika sa paghahalukay ng katotohanan? Sa kabilang banda, pasalamat tayong mga mamamayan sa kani-kanyang interes sa pulitika, kasi dahil dito sa paglalaban ng interes ay lumalabas ang mga nakatagong nakawan.
Of course, hindi naman pwedeng pagsasabayin ang mga imbestigasyon. Hayaan nyo at darating din ang araw at ibang kawatan na naman ang madidiskubre. At kagaya nitong kay Drilon, gugulong din ang katotohanan matapos siya ay inaakusahan na kumita sa overpriced Iloilo Convention Center (ICC) na ginagawa rin ng Hillmarc's Construction Corp., na siya ring gumawa ng overpriced Makati Parking Bldg. 2. Of course, hindi rin matutulog ang katotohanan sa pagdidiskubre sa mga tagong yaman ni General Purisima.
Andyan din ang kay Vitangcol ng MRT, na natanggal din dahil sa akusasyon na nang-extort sa contractor ng Belgium, na kasama pa raw si Ballsy Aquino Cruz, kapatid ni P-Noy. Andyan din ang Postmaster General na inaakusahan din sa pagnakaw sa kayamanan ng PhilPost. Marami pa. Naniniwala ako na lalabas isa-isa ang mga iyan dahil sa hindi natutulog ang kunsensya at katotohanan.
Mga opinyon ko:
(1) Ito ang isa sa mga katibayan na si Binay nga ang may-ari ng 350-hectare na farm sa Rosario, Batangas at itong opinyon ay nabuo mula sa mga ebidensya na nailatag sa Senate hearing at isasama sa nailagay ng bunsong anak ni Vice-Pres. Binay sa Instagram ng mga litrato na nagpapakita ng magarang Hacienda Binay at sa kanyang pagsasabi na siya ay nasa kanilang lugar daw sila sa Batangas;
Mga opinyon ko:
(1) Ito ang isa sa mga katibayan na si Binay nga ang may-ari ng 350-hectare na farm sa Rosario, Batangas at itong opinyon ay nabuo mula sa mga ebidensya na nailatag sa Senate hearing at isasama sa nailagay ng bunsong anak ni Vice-Pres. Binay sa Instagram ng mga litrato na nagpapakita ng magarang Hacienda Binay at sa kanyang pagsasabi na siya ay nasa kanilang lugar daw sila sa Batangas;
(2) Si Binay ang may-ari ng Hacienda Binay dahil sa kahit na matindi na ang akusasyon sa kanya na ito ay sa kanya ay hindi pa rin siya lumilitaw sa Senate Hearing para magpakita ng mga katibayan na hindi nga ito sa kanya;
(3) Si Binay ang may-ari ng nasabing Hacienda Binay dahil pinatunayan at tinestiguhan ito ng kanyang dating kakutsaba na si dating Vice-Mayor Ernesto Mercado at ang kanilang kutsabahan ay napapatunayan na ng kanilang matagal nang pagsama;
(4) Si Binay ang may-ari ng Hacienda Binay dahil sa may kakayahan siyang bumili at ang kakayahang ito ay nanggaling sa mga kinita mula sa pagtatayo ng overpriced Makati Parking Bldg. 2 na napatunayan na;
(5) Si Binay ang may-ari ng Hacienda Binay dahil sa wala namang maipakitang titulo ang umaangkin na si Antonio Tiu at wala ring maipakitang anotasyon sa likod ng mga titulo ng Hacienda Binay na nabayaran na nga niya si Laureano Gregorio at iba pa na nakapangalan sa mga titulo, na hindi ginagawa ng tunay na nakabayad na ng 11 milyong piso para maprotektahan ang kanyang kontratang pagbili ng nasabing lupa;
(6) Si Binay ang may-ari ng Hacienda Binay dahil sa ang taong umaangkin ngayon na si Antonio TIu ay pagabo-bago ang salita; at
(7) Marami pang iba.
ANG MGA VIDEO O AUDIO NG MGA KATIBAYAN NA SI BINAY ANG MAY-ARI AY ANG MGA SUMUSNOD:
(1) Ang mga litrato na inilagay sa Instagram ni Joanna Marie Bianca Binay, bunso ni Vice-President, ay mapapanood sa video na ito:
(2) Ang video ng Hacienda Binay:
(3) Ang video ng mga tao sa Rosario, Batangas na nagsasabi kay Binay nga ang nasabing Hacienda Binay:
(4) Ang video ng pag-amin noong June 2010 ni Binay na siya nga ang may-ari ng Hacienda Binay:
(5) Ang litrato mula sa Instagram ni Joanna Marie Bianca Binay kung saan sya ay nagmamaneho ng electric scooter na Segway, na nagkakahalaga raw ng P300,000.00:
Comments