MGA KONGRESMAN BINIGYAN DIN NG TIG-P15 MILLION NOONG IMPEACHMENT NI CJ CORONA?

MGA KONGRESMAN BINIGYAN
DIN NG TIG-P15 MILLION NOONG
IMPEACHMENT NI CJ CORONA?

Lumalabas na hindi lamang ang 20 na Senador ang binigyan ng tig-P50 million matapos ma-convict si CJ Corona.

Galing daw sa Disbursement Allocation Program (DAP). Isa na namang uri ng Pork Barrel ito a. I will discuss later fully why this is unconstitutional. 

But as a preliminary, I discourse the following.

According to Butch Abad, these funds are savings of the Executive Department from the unused budget allotted to it by the General Appropriations Act of 2012.  If it is the savings of the Executive, can it be used to give to another department that is the Legislative? 

Walang nagsasabi sa ating Konstitusyon na pwede itong gawin. Ang sinasabi lamang ay kung mayroong naitipid ang isang departamento, pwede itong iipunin ng pinuno ng departamento para igasta sa ibang pakay.  Pero walang sinasabi sa Saligang Batas na pwede ang pakay sa labas ng Executive kung savings ito ng Executive.

Wala ring sinasabi sa Konstitusyon na ang savings ng Senado ay pwedeng ibigay ng Senate President sa Judiciary o sa Ehekutibo o sa House of Representathieves.

Wala ring sinasabi sa Konstitusyon na ang savings ng Judiciary ay pwedeng ibigay ng Chief Justice sa Executive o House of Representative o Senate.

Sabagay, I strongly believe that the conviction of CJ Corona is correct.

At sa tingin ko, indispensable din ang strategy dahil kung wala ito ay kulang ang dami ng tongresman na pipirma sa impeachment.

Sometimes, it takes "all cost" to bring out a good cause.

Let's see what happens next.

Comments