AWIT NG KATARUNGAN

AWIT NG KATARUNGAN 
(Note: I will post soon the notes and the actual rendition of the song)
I
Buksan mo ang puso mo, bayan ay may pag-asa pa,
Susi ay baguhin lang, ang sistema ng hustisya,
Sistemang nagsilang ng mga bwitri, karahasan,
Mga sakim at hari, sila lang ang katarungan.

II
Higit sandaang taon,  nakawan di nasawata,
May diktador na tayo, may labandera ng pera,
Galamay pumapatay, gamit ay chainsaw at backhoe,
Pera ng bayan ubos, silang lahat tumatabo,

Chorus
Naisilang ang rebelyon dahil sa mga abuso,
Naghimagsik ang mga Muslim sa mga alipusta,
Bayan lubog sa pagnanakaw na di naparusahan,
Sila’y naghahari dahil takot ng tao’y sinamantala,
O Diyos ko…

III
Dahil sila ang hari, sila rin ang Dyos ng hukom,
Kahit ano pa gusto, kahit bayan man ay gutom,
Pati boto ng tao, kunin din garapalan man,
Sila ay walang takot, katarungan hawak nila,

IV
Sa tao nagmumula, lahat ng kapangyarihan,
Pero bakit tayo lang ang laging tinatapakan?
Di ba dahil sa takot, at pagnanatiling takot?
Gising na aking bayan, bawiin kapangyarihan.

V
Tao ang bumubuto, tao ang kapangyarihan,
Tama na, tumayo na, bawiin kapangyarihan,
Tayo na ang humusga, bawiin mula sa piskal,
Tayo na ang humusga, bawiin mula sa huwes.

Refrain
Bangon na at itayo, hukuman ng mamamayan,
Tayo ang magsasabi, kung sino ang kakasuhan,
Tayo rin magsasabi, kung sino paparusahan,
Itayo kababayan, jury system sa ’ting bayan.


Comments