Zambales cops must be axed, charged for extortion, arrest of reporter





Zambales cops must be axed, charged 
for extortion, arrest of reporter


     Alab ng Mamamahayag (ALAM) and National Press Club (NPC) will file administrative charges of grave misconduct, abuse of authority and conduct prejudicial to the best interest of police service and a criminal charge arbitrary detention against six (6) members of Regional Police Public Safety Battalion (RPPSB) in Zambales.

          According to Saksi and Bomba correspondent and 105.7 fm broadcaster Apolinario “Poly” Leomo, he was taking pictures of a “peryahan” or illegal carnival when armed men suddenly appeared and dragged him to their vehicle.

Despite his introduction and insistence that he is a member of the press and that he was there for the first time and was only taking pictures because he got curious after getting off a bus, these cops brought Leomo to the headquarters of these cops along with six persons he learned later as operators of these “peryahan.”

At the headquarters, he said that his name and camera were taken. Then, he said, these cops deleted all his photo files.  Thereafter, he continued, the camera was returned to him and he was allowed to go home.

Leomo added that he learned later that the same operations conducted by the RPPSB did not have any coordination with the Zambales PNP headquarters at Camp Conrado D. Yap in the capital town of Iba.

ALAM chairman Jerry Sia Yap and ALAM president Berteni “Toto” Cataluña Causing said they have no reason not to believe in the assertion of Leomo for it was the first time for the latter to complain and the habit of life of reporters is that they seldom complain so that when they do it must be presumed as the truth.

As soon as Mr. Leomo has executed his affidavit, ALAM will file the complaint before the Office of the Ombudsman.

The reason why illegal activities, including drug trafficking and illegal gambling that includes jueteng, do not stop is because of the normal habit of policemen to set up a protection racket by first arresting the operators thereof.

The arrest was for the purpose of bilking the initial amount in exchange for freedom and there will be a deal for a weekly take before the arrested operator is released.

How many policemen should be dismissed and imprisoned before their ranks become honest in serving and protecting the populace and peace?


The original email message of Mr. Leomo is pasted below:

April 13,2012

Addressed to;

1.Madam Florescita M. Arellano, Publisher/Editor-in-Chief Saksi/Bomba Tabloid
                  Intarmuros Manila      

2.President Jerry S.Yap, 2010-2012, National Press Club President
                 Magallanes Drve,Intamuros Manila     

3.President Ruperto S. Nicdao Jr, Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas

4.Franco Regala, President, Olivas Press Corps
      Camp Olivas, Pampanga


From:                   Polly G. Leomo; Prv’l Correspondent Nat. Daily Tabloid Saksi/Bomba

Dear Sir/Madam,

Nais ko lamang pong ipaalam sa inyo ang hindi magandang pagtrato ng mga elemento ng kapulisan nakatalaga sa Lubao, Pampanga at narito po ang aking mga salaysay.

Ako po si Apolinario Giron Leomo,63 taong gulang may-asawa at anak,tubong Brgy Bangantalinga Iba,Zambales.Isa po akong kagawad ng Media at kasalukuyang prv’l correspondent ng pahayagang Saksi/Bomba at brodkaster ng Radyo Natin-Iba, 105.7FM, na kasapi ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Noong pong Miyerkules, Abril 11, dakong ika-10:00 ng gabi, bumaba ako sakay ng Victory Liner galing sa bayan at napatapat sa peryahan nakalagay sa lumang plaza ng Purok-5 sa aming Brgy.

Natuwa ako dahil maraming tao at sa kaunaunahang pagkakataon nanuod ako at nagmasid sabay ang pagkuha ng larawan gamit ang aking kamera.

Ngunit sa isang iglap ay inakala kung may gulo ngunit hindi pala.

Sa halip ay may mga armado at sibilyan na pala ang gumawang humila at isa-isang dinampot ang mga nag-operate sa peryahan at narinig ko: "Yan naka-bag (ako) isama yan." Ito ay wika ng isang matangkad na ang tinukoy ay ako pala dahilan sa mayroon akong bag at sumagot ako at nagpakilalang: “Press po ako.”

“Sumama ka at may balita kaming press na nangongotong," sagot ng isa.

Sinabi ko na correspondent ako ng Saksi at walang mediang taga-Zambales ang nangongotong, wika ko at sapilitan nila akong tinulak pasakay sa FX kulay yellow na may plakang UEN-357.

Sa loob ng sasakyan ay may anim (6) na taga peryahan at may anim (6) na sibilyang armado kung saan pinaupo ako sa pagitan ng dalawang (2) armado at sa harap ay tatlo (3) sila kasama ang drayber.

Agad pinatakbo ang sasakyan na patungong hilagang bahagi at huminto sa peryahan na matatagpuan sa Brgy. Amungan, kalapit ng aming barangay.

Makalipas ang may limang (5) minuto umalis na at muling naglakbay at huminto sa peryahan na nasa bagong bakanteng lugar na palengke sa kabayanan at may pinaghahanap pa.  Makalipas din ng limang (5) minuto ay umalis na hanggang sa baybayin namin ang kahabaan ng national highway na kasunod ang isang kulay puting kotse.

Dakong ika 11:30 ay huminto kami sa isang peryahan matagpuan sa likod ng White Rock Beach ng Matain, Subic, muli bumaba ang grupo at hinahanap ng kanilang pinuno ang nagngangalang “Linda” na aking narinig.

Muli makalipas ng sampung (10) minuto ay umalis na kami at naglakbay hanggang sa marating namin ang kanilang kampo na sa pagkakalam ko ay Regional Police Public Safety Batallion (RPPSB) umano.

Ganap na ika-3:00 ng umaga isang dokumento ang ginawa ng isa sa pulis kung saan kinuha ang aking pangalan, kasunod ng pagkuha sa aking kamera.  Napag-alaman ko na binura ang larawan nakuhanan ko nang isinauli sa akin, kasunod nito ang paglagda ng isa sa mga dinampot nila na napag-alaman kong may-ari ng peryahan.

Dakong 3:15 ng umaga, Huwebes, Abril 12, 2012, ako ay pinalabas na ng kampo at naiwan ang anim (6) na dinampot at ako ay nag-abang ng bus na patungong Zambales.

Bilang kagawad ng media, nais ko lamang ituwid ang maling pagtrato ng kapulisan na nagpakilala na ako ay kanilang binale-wala na labis na ikinabahala at pag-aalala ng aking pamilya sa maaring mangyari sa amin na hindi din nagpakilalang otoridad, kung saan sila ay walang koordinasyon sa Zambales Prv’l Police Office ng Camp Conrado D. Yap sa Iba, Zambales, kung anuman kanilang pakay.

Napag-alaman ko rin na ang hangarin ng grupo umano ay taliwas sa hinihinala sa akin na sila pala ang nangongotong na tig-P20,000 bawat isa sa anim (6) na operator ng peryahan ang kanilang hinihingi at sa anong dahilan kung bakit pinalaya ang anim ay hindi ko na inalam.

Katarungan, respeto sa mamamahayag ang dapat imulat at isailalim na seminar sa 17 kagawad na ito ang hinihiling ko sa ating PNP Director General Nicanor Bartolome at Regional Director PCSupt. Edgardo T. Ladao ng Region-3. At higit sana ay diciplinary action.  Sir, thank po, Marami pong salamat.

Gumagalang,

Apolinario "Polly" G. Leomo

Comments